Lunes, Disyembre 1, 2008

Parang Gintong Di Mahanap


PARANG GINTONG DI MAHANAP
ni Gregorio V. Bituin Jr.
tulang siyampituhan

Kapayapaan ay kay-ilap
Parang gintong hindi mahanap
Parang pagkaing di malasap
Parang batang di nililingap.
Ngunit ito'y pinapangarap
Ng marami nang naghihirap
Gaano man ito kailap.

- Trading Post, Sultan Kudarat, Maguindanao
Nobyembre 28, 2008
(Dito nagsalubong ang mga karabanang nanggaling sa Davao at sa Iligan, na nakibahagi sa Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)

Walang komento: