MGA ARAL MULA SA GANSA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
(ang tula'y nilikha mula sa powerpoint presentation ni kaibigang Paul Muego ng KKFI na pinamagatang "Mga Aral Mula sa Gansa" bilang bahagi ng pagsasanay ng mga kasapi ng KPML, Setyembre 28, 2008. Ang sumusunod na tula ay may 14 pantig bawat taludtod.)
kayganda pala ng aral na napulot natin
sa mga gansang lumilipad sa papawirin
sa pormang V ay nagkakaisa ng layunin
patungong katimugang kanilang adhikain.
sa paglipad sa pormang V sila'y nagkakaisa
upang mas malayo ang maabot na distansya
grupo silang lumilipad, di paisa-isa
ang pagtutulungan nila'y sadyang kakaiba.
mga gansa'y nagpakita ng magandang asal
halimbawa nila'y sadyang natatanging aral
na sa kaisipan nati'y kaygandang ikintal
dunong itong sa diwa natin ay iniluwal.
sila'y nagpakita ng magandang halimbawa
na sa kanilang pangkat ay may pagtitiwala,
pagtutulungan at pagkakaisa'y adhika
walang iwanan sa ere itong mga gansa.
kaytindi't kaylalim ng kanilang pagbubuklod
ang makakaalam nito'y sadyang malulugod
at tiyak na magpapatuloy sa paglilingkod
tungo sa bagong lipunang itinataguyod.
katulad ng gansang magkasamang "V" ang hugis
sa kanilang pormasyon ay di paalis-alis
yaong buong samahan pala'y dapat magbigkis
at sa tungkulin ay dapat walang magmalabis.
sa samahan may dangal tayong itinataya
kaya't unawain natin ang aral ng gansa
kaylaking tulong na nito sa sanlaksang dukha
at sa pagkakaisa ng uring manggagawa.
kaya kung kasamahan natin ay matutumba
namroblema, wala ng pera o nasakuna
o kaya sa pakikibaka'y nasawi siya
dapat siyang tulungan at ang kanyang pamilya.
tulad ng gansa’y di tayo dapat mag-iwanan
anumang hirap ang kaharapin ng samahan
tayo’y dapat mag-unawaan at magtulungan
magkaisang-diwa tayo sa dami ng laban.
tayong nagnanais ng panlipunang hustisya
ay dapat maging matatag sa pakikibaka
anumang sigwang harapin ay magsama-sama
hanggang maitayo ang isang bagong sistema.
Miyerkules, Oktubre 1, 2008
Paghahandog
PAGHAHANDOG
ni Greg Bituin Jr.
12 pantig
handog ko ang nilikha kong mga tula
sa kapwa tao, lalo't higit sa madla
handog sa maralita at manggagawa
sa kababaihan, bata't matatanda
pati na rin doon sa mga kawawa
sa mga maligaya at lumuluha
gayunman bahala kayong umunawa
kung kaybabaw man o kaylalim ng tula
nawa'y mabasa rin ng sunod na lahi
ang inihandog ko nang may tuwa't ngiti
huwag lang sanang tula ko'y maaglahi
huwag madagdagan at huwag mapawi
kaya't pagnilayan ninyong husay na rin
kung ano yaong tula'y ibig sabihin
pait at tamis nito'y pakanamnamin
at matatalos mo, nais iparating
kung ako'y malasin o kaya'y palarin
marami pang tula akong lilikhain
ngunit pag naglugmok, nawala sa piling
tula'y maiiwan at di malilibing
handog na sa madla, sa lahat sa atin
sa mga buhay pa't bagong sisilangin
kaya mga tulang ito'y di na akin
dahil mundo na ang dito'y mag-aangkin
ni Greg Bituin Jr.
12 pantig
handog ko ang nilikha kong mga tula
sa kapwa tao, lalo't higit sa madla
handog sa maralita at manggagawa
sa kababaihan, bata't matatanda
pati na rin doon sa mga kawawa
sa mga maligaya at lumuluha
gayunman bahala kayong umunawa
kung kaybabaw man o kaylalim ng tula
nawa'y mabasa rin ng sunod na lahi
ang inihandog ko nang may tuwa't ngiti
huwag lang sanang tula ko'y maaglahi
huwag madagdagan at huwag mapawi
kaya't pagnilayan ninyong husay na rin
kung ano yaong tula'y ibig sabihin
pait at tamis nito'y pakanamnamin
at matatalos mo, nais iparating
kung ako'y malasin o kaya'y palarin
marami pang tula akong lilikhain
ngunit pag naglugmok, nawala sa piling
tula'y maiiwan at di malilibing
handog na sa madla, sa lahat sa atin
sa mga buhay pa't bagong sisilangin
kaya mga tulang ito'y di na akin
dahil mundo na ang dito'y mag-aangkin
Kasabihan sa Gusto't Ayaw
KASABIHAN SA GUSTO'T AYAW
ni Greg Bituin Jr.
9 pantig
dapat nating pakatandaan
ang palasak na kasabihan
na hinggil sa mga ugnayan
natin sa kapwa tao't bayan
na ang ginawang patakaran
ay nagpapatotoo lamang
ng tunay nilang kalikasan:
pag gusto, maraming paraan
pag ayaw, maraming dahilan.
ni Greg Bituin Jr.
9 pantig
dapat nating pakatandaan
ang palasak na kasabihan
na hinggil sa mga ugnayan
natin sa kapwa tao't bayan
na ang ginawang patakaran
ay nagpapatotoo lamang
ng tunay nilang kalikasan:
pag gusto, maraming paraan
pag ayaw, maraming dahilan.
Kami ang mga Tagapagmulat
KAMI ANG MGA TAGAPAGMULAT
ni Greg Bituin Jr.
(Isinulat bilang bahagi ng pag-uulat ng ikatlo sa limang grupo hinggil sa gawaing edukasyon at pamamahayag sa KKFI, Setyembre 30, 2008. Ang gawaing edukasyon at pamamahayag ay binubuo ng edukador, dokumentor at propagandista.)
Edukador
Kami ang mga edukador ng maralita
Tagapagturo ng adhikaing tama
Tagapagmulat tungo sa lipunang dakila
At pinatataas ang kamalayan ng dukha
Dokumentor
Kami'y saksi sa mga pagluha
Nang dinemolis na mga maralita
Nadurog ang aming puso't diwa
Sa mga karahasang ginawa
Patunay itong mga litrato
Pati na yaong kuhang video
Na aming isinadokumento
Sa kalapastanganan sa inyo.
Propagandista
Tawag sa amin ay propagandista
Nagmumulat tungo sa tamang linya
At ginawa'y dyaryo para sa masa
Pati polyeto ng mga dyarista
Nanawagang baguhin ang sistema
At kung ang maralita'y sama-sama
Lalong titibay ang pakikibaka
Dahil sa lakas ng pagkakaisa
Dalit ng Makatang Gutom
DALIT NG MAKATANG GUTOM
ni Greg Bituin Jr.
ako'y wala mang salapi
may tulang mababahagi
sa ating mga kalahi
hinggil sa tuwa ko't sawi
at laban sa mga imbi
ni Greg Bituin Jr.
ako'y wala mang salapi
may tulang mababahagi
sa ating mga kalahi
hinggil sa tuwa ko't sawi
at laban sa mga imbi
Ang Organisador Bilang Lider
Ang Organisador Bilang Lider
(nalikha sa isang pagsasanay sa KKFI, Setyembre 29, 2008)
ni Greg Bituin Jr.
ang isang community organizer
ay dapat maging mabuting lider.
di siya dapat commanding officer
na kung umasta'y siya ang super.
siya'y tumutulong na maging organisado
yaong samahan ng maralitang totoo
alam niyang ang mga kagalingang ito
ay dapat mula sa tao at para sa tao.
(nalikha sa isang pagsasanay sa KKFI, Setyembre 29, 2008)
ni Greg Bituin Jr.
ang isang community organizer
ay dapat maging mabuting lider.
di siya dapat commanding officer
na kung umasta'y siya ang super.
siya'y tumutulong na maging organisado
yaong samahan ng maralitang totoo
alam niyang ang mga kagalingang ito
ay dapat mula sa tao at para sa tao.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)