Martes, Nobyembre 19, 2024

Barya lang po sa umaga

BARYA LANG PO SA UMAGA

bilin doon: barya lang po sa umaga
habang aking tinatanaw ang pag-asa
na darating din ang asam na hustisya
lalo't iyon ang pangarap nitong masa

habang sakay ng traysikel ay nagtungo
roon upang tupdin yaong pinangako
naglilingkod pa ring buo ang pagsuyo 
inaasam na di basta lang maglaho 

mapanatag ang kanilang puso't diwa
sa maraming isyu't asam ay ginhawa
kasama ng maralita't manggagawa 
kapitbisig sa layunin at adhika

may "feet off please" pang kanilang bilin dito
kaya ito'y sinunod ko ngang totoo
buti't bulsa'y may barya pang naririto
pinambayad sa drayber na nasakyan ko

- gregoriovbituinjr.
11.19.2024

* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/vXzAaYN0fk/