Lunes, Hunyo 6, 2022

Pagkamulat - tula ni Karl Marx

PAGKAMULAT
tula ni Karl Marx
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
hinango sa Early Works of Karl Marx: Book of Verse (tula bago mag-1938) sa marxists.org

I
Pag nasira’y mata mong maningning
Na namangha at nanginginig,
Tila naligaw na musikang bagting
Na nagninilay, na nakaidlip,
Patungo sa lira,
Hanggang sa tabing
Ng pinakabanal na gabi,
Pagkatapos mula sa itaas ay kumikinang
Ang mga walang kamatayang bituin
Na sa loob ay nagmamahal.

II
Nanginginig, lumubog ka
Nang may pag-angat ng dibdib,
Nakikita mo ang walang katapusang
Mga daigdig na walang hanggan
Sa ibabaw mo, sa ilalim mo,
Hindi maabot, walang katapusan,
Lumulutang sa treng nagsasayaw
Nang hindi mapakaling kawalang-hanggan;
Isang atomo, nahulog ka
Doon sa Santinakpan.

III
Ang iyong pagkamulat
Ay walang katapusang pagsikat,
Ang iyong pagsikat
Ay walang katapusang pagbagsak.

IV
Pag ang nagsasayawang apoy
Ng iyong diwa’y sumalakay
Sa sarili nitong kalaliman,
Pabalik sa dibdib nito,
May lilitaw na walang hangganan,
Pinasigla ng mga espiritu,
Na dala ng matamis na pamamaga
Ng mahihiwagang himig,
Ang lihim ng kaluluwang
Bumangon muia sa bangin
Ng kasamaan ng kaluluwa.

V
Ang iyo namang paglubog
Ay walang katapusang pagsikat,
Ang iyong walang katapusang pagbangon
Ay may nanginginig na labi-
Na pinapula ng Aether,
Nagniningas, walang hanggang
Hinahagkan ng Punong Bathala

* isinalin: 6 Hunyo, 2022

The Awakening
poem by Karl Marx

I
When your beaming eye breaks
Enraptured and trembling,
Like straying string music
That brooded, that slumbered,
Bound to the lyre,
Up through the veil
Of holiest night,
Then from above glitter
Eternal stars
Lovingly inwards.

II
Trembling, you sink
With heaving breast,
You see unending
Eternal worlds
Above you, below you,
Unattainable, endless,
Floating in dance-trains
Of restless eternity;
An atom, you fall
Through the Universe.

III
Your awakening
Is an endless rising,
Your rising
An endless falling.

IV
When the rippling flame
Of your soul strikes
In its own depths,
Back into the breast,
There emerges unbounded,
Uplifted by spirits,
Borne by sweet-swelling
Magical tones,
The secret of soul
Rising out of the soul's
Daemonic abyss.

V
Your sinking down
Is an endless rising,
Your endless rising
Is with trembling lips-
The Aether-reddened,
Flaming, eternal
Lovekiss of the Godhead.

Ang pokpok

ANG POKPOK

mababa rin kaya ang lipad ng nasabing Pokpok
iyon ang tawag sa ibong animo'y kumakatok
ngunit huni pala iyong tila ba nanghihimok
na sa kanyang lungga tumuloy sinumang nalugmok

upang bigyan niya ng tunay na kaligayahan
upang nararanasang lumbay ay makalimutan
upang madama ang luwalhati sa kalangitan
upang ipinagbabawal daw ay iyong matikman

maagang bahagi pa lang ng buhay ko'y naakit
sa mga pokpok na pag iyong nakita'y kayrikit
tila baga ibong ito iwing puso'y binitbit
upang sa saya'y dinggin ang maingay niyang awit

O, pokpok, gaano ba kababa ang iyong lipad
upang mga nangalulungkot ikaw ay mahangad
upang sa alay mong pagsinta sila'y magbumabad
ang tunay mo bang layunin ay iyong inilantad

- gregoriovbituinjr.
06.06.2022

* litrato mula sa artikulong "Meet the Pokpok: A Noisy and Colorful Bird of the Philippines" na nalathala sa esquiremag.ph