PESTENG TRAPIK
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
dapat bang luwangan ang mga daan?
o sadyang kayrami lang ng sasakyan?
sa isang
lugar lang ba nakonsentra
ang mga
nais puntahan ng masa?
lagi nang trapik sa mga lansangan
ulo'y baka mag-init nang tuluyan
pag lumubha
ang trapik sa kalsada
konting
lamig lang, pare, magpasensya
trapik ay kaytagal nang suliranin
paglutas ay dapat pakaisipin
bago may mamatay muli't barilin