GININTUAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
maraming may ginintuang puso kahit dukha man
may ilan daw ginintuang puso sa mayayaman
mas maganda kung sa daigdig ay walang gahaman
walang pribadong aring minulan ng karukhaan
damhin ang awit ng mga may ginintuang tinig
at sa halina nito, puso'y tiyak na iibig
lalo't sa awit may gintong payo kang maririnig
nagbibigay-inspirasyon na sa puso'y aantig
tinanganan ng mga bayani'y gintong adhika
na palayain ang bayan sa kuko ng kuhila
inalay ang buhay at magagandang halimbawa
na ipinagpapatuloy ng uring manggagawa
mga nagmimina sa lupa ang hanap ay ginto
habang ang mga lumad ay kanilang dinuduro
nagtatabaan yaong sagad sa buto ang luho
sa ginto nabubundat, pulos mantika ang nguso
mahalaga ang ginto kung ginto ang niloloob
pusong ginintuang sa gintong adhika'y marubdob
di ginto ng pagkagahaman yaong lumulukob
na magpapahamak lamang at magpapasubasob
Martes, Oktubre 20, 2015
Ang matandang pulubi
ANG MATANDANG PULUBI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
duling na sa gutom ang pulubing namamalimos
sanay na sa kalalakad, paa'y di na magpaltos
tuhod niya'y naghihina na't di na makaraos
dagok sa dibdib ang dinaanang buhay na kapos
sa kanyang noo'y gagamunggo ang butil ng pawis
gumagapang siyang tila ahas sa pagtitiis
nananahang langaw sa buhok niya'y di mapalis
naglalaro ang mga kutong di niya matiris
nababalabalan ng basahang di nalalabhan
pudpod na sa katagalan ang patpat niyang tangan
balbas at buhok ay tila ba nagpapahabaan
nanlilipak ang palad, kuko'y di pa maputulan
kayumanggi niyang balat sa araw na'y nangitim
dilat ang matang hinehele siya ng panimdim
at siya'y tumigil sa tabi ng punong malilim
upang mata'y ipikit pagsapit ng takipsilim

Sa ika-45 anibersaryo ng ZOTO
SA IKA-45 ANIBERSARYO NG ZOTO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
Zone One Tondo Organization, kaygandang samahan
itinatag upang ang mga dukha'y paglingkuran
pagsisilbi ninyo'y naukit na sa kasaysayan
pasismo, marsyalo, demolisyon ay nilabanan
pabahay, karapatang pantao, dakilang misyon
mga dukha'y inaruga sa mga relokasyon
pagbago ng sistema'y patuloy na nilalayon
bagamat nahaharap sa kayraming mga hamon
tuloy ang pakikibaka para sa karapatan
ng uring api, mga maralitang mamamayan
apatnapu't limang taon kayong naninindigan
mabuhay kayo, O, ZOTO, sa inyong nasimulan

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)