DI KAMI MGA BAYARANG RALIYISTA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
di ko ugali ang magbanta sa kung sino
ngunit namumuo ang poot sa dibdib ko
lalo't lagi silang nagtatanong magkano
ang sa mga rali'y kinikita ko't sweldo
wala kaming kinikita sa mga rali
kaya naririto, sa masa'y nagsisilbi
prinsipyong tangan ay di ipinagbibili
nakikibaka kaya sa rali kasali
ang rali ay isang pamamaraan namin
na maipahayag ang aming saloobin
hinggil sa mga isyu ng masa't hinaing
at sa kinauukulan ay maparating
ang ipinaglalaban namin ay prinsipyo
kahit mahirap at puno ng sakripisyo
ibabagsak namin itong kapitalismo
upang maitayo ang ipapalit dito
hindi kami mga bayarang raliyista
pagkat prinsipyo ang ipinakikibaka
ang magpabayad kami ay katawa-tawa
parang nilunok ang sinusukang sistema
papalitan namin itong sistemang bulok
ibabagsak namin itong gobyernong bugok
babaguhin namin ang diwang inuuk-ok
at uring manggagawa'y aming iluluklok
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
di ko ugali ang magbanta sa kung sino
ngunit namumuo ang poot sa dibdib ko
lalo't lagi silang nagtatanong magkano
ang sa mga rali'y kinikita ko't sweldo
wala kaming kinikita sa mga rali
kaya naririto, sa masa'y nagsisilbi
prinsipyong tangan ay di ipinagbibili
nakikibaka kaya sa rali kasali
ang rali ay isang pamamaraan namin
na maipahayag ang aming saloobin
hinggil sa mga isyu ng masa't hinaing
at sa kinauukulan ay maparating
ang ipinaglalaban namin ay prinsipyo
kahit mahirap at puno ng sakripisyo
ibabagsak namin itong kapitalismo
upang maitayo ang ipapalit dito
hindi kami mga bayarang raliyista
pagkat prinsipyo ang ipinakikibaka
ang magpabayad kami ay katawa-tawa
parang nilunok ang sinusukang sistema
papalitan namin itong sistemang bulok
ibabagsak namin itong gobyernong bugok
babaguhin namin ang diwang inuuk-ok
at uring manggagawa'y aming iluluklok