ayokong dumako sa sentro ng katiwalian
lalo na’y nakakasira ng ating katauhan
na winawalis lang yaong salapi sa hangganan
hinihigaan ang perang galing sa kabang bayan
naroroon lang ako, nakikibakang totoo
kasama ang mga dukha’t laksa-laksang obrero
upang itayo ang isang lipunang makatao’t
yugyugin ang mapagsamantalang kapitalismo
puspusang paglilingkod, puspusang pakikibaka
nangangarap ng pagbabago kasama ng masa
kolektibong kumikilos, walang idolong isa
wala ring manunubos na inaasahan nila
pagkat nasa kamay ng uring manggagawa’t masa
ang pinapangarap nating panlipunang hustisya
tuloy ang laban, patuloy tayong mag-organisa
hangga’t tunay na lipunang makatao’y kamtin na
- gregoriovbituinjr.
* Unang nalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang organisasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Enero 1-15, 2021, pahina 20.