Biyernes, Oktubre 10, 2014

Pagdatal sa Plaridel

PAGDATAL SA PLARIDEL
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig bawat taludtod

dumaan kami sa Plaridel
kasama'y tila mga anghel
adhika'y di mapigil-pigil
kahit tamaan ng hilahil

- Plaridel, Quezon, Oktubre 10, 2014

* Ang tulang ito ay isa sa serye ng mga tulang sinulat ng makata sa Climate Walk mula Luneta hanggang Tacloban na nagsimula ng Oktubre 2, 2014 at magtatapos sa Nobyembre 8, 2014, ang unang anibersaryo ng napakatinding bagyong Yolanda

Sa Dalampasigan ng Plaridel

SA DALAMPASIGAN NG PLARIDEL
ni Gregorio V. Bituin Jr.

1

habang sila'y naliligo sa dagat
at araw doo'y mataas ang sikat
ako muna'y nagnilay at nagsulat
habang nasa katanghaliang tapat

2

naglalakad sa buhangin
tubig-alat ay languyin
dagat ay ating arukin
malalim ang adhikain

- Tagayan Beach Resort, Plaridel, Quezon, Oktubre 10, 2014