ANG HUSTISYANG PARA SA AMIN AY AMING KUKUNIN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
marami ang mapagpaniwala sa sabi-sabi
sila'y mga hunyangong walang bait sa sarili
sinisira ang aming dangal, puri't pagkatao
ginigiba kami ngunit di kami patatalo
mga sinungaling silang akala mo'y kaybuti
pawang mga mapagkunwari, ikaw'y sinisisi
sinisisi sa kasalanang iba ang gumawa
sinisisi sa salang sila yata ang maygawa
mag-imbestigang mabuti, huwag turo ng turo
nang makapagdepensa ang inyong itinuturo
mga sinungaling kayong dapat putlan ng dila
huwag diyang bubulong-bulong, kayo'y magsalita
harapin kami at huwag magtago sa salawal
humarap nang taas-noo, huwag lang umatungal
mga aktibista kaming kapwa'y di inaapi
ang prinsipyo't disiplina'y niyakap ng matindi
ngunit may mga taong hindi marunong magsuri
nag-aakusa'y walang batayan, dila'y pamuti
sa hindi mo kasalanan, sila’y ngawa ng ngawa
iginigisa ka nila sa kanilang mantika
kaya dapat tayong magpakatatag, sila'y linta
hanap ay masisisi kahit iba ang may sala
sa paninira nila, sila'y lalabanan namin
ang hustisyang para sa amin ay aming kukunin!
Biyernes, Disyembre 6, 2013
Pagbabago, hindi gulo
PAGBABAGO, HINDI GULO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
ang paghahanap ng pagbabago
ay hindi paghahanap ng gulo
kung sakali mang sumigaw kami
ng pagbabago doon sa rali
hindi iyon gulo o anumang
nakasisira ng karapatan
pagkat ang pinaglalaban doon
ay ang pagbabagong naaayon
sa tunay na pakikipagkapwa
at pagkakaisa ng dalita
dakila't marangal na layunin
prinsipyong tangan at simulain
hindi gulo iyang aming hanap
para sa pagbabagong kay-ilap
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
ang paghahanap ng pagbabago
ay hindi paghahanap ng gulo
kung sakali mang sumigaw kami
ng pagbabago doon sa rali
hindi iyon gulo o anumang
nakasisira ng karapatan
pagkat ang pinaglalaban doon
ay ang pagbabagong naaayon
sa tunay na pakikipagkapwa
at pagkakaisa ng dalita
dakila't marangal na layunin
prinsipyong tangan at simulain
hindi gulo iyang aming hanap
para sa pagbabagong kay-ilap
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)