BILIN NI ERMAT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
"mag-aral kang mabuti, aking anak
upang buhay mo'y di maging bulagsak"
ngunit
paano kay inay aamin
na lagpak
ako sa isang aralin
"ayoko kasing ikaw'y mapahamak
di ko kayang gumapang ka sa lusak"
tiyak sa
singit ako'y kukurutin
pag
paglagpak ko'y aking uulitin
magaling na nanay ang aking inay
sa pangaral, binusog akong tunay
dapat lang, magsunog ako ng kilay