Para Sa Kabataang Nais Magpatiwakal
ni Gwendolyn Brooks
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
(14 na pantig, may sesura sa ikapito o 7/7)
Upo. Hingang malalim. At saka mo ibuga.
Ang lawa'y maghihintay, pati na ang pistola.
Mapang-akit na apdo sa mumunting botelyang
talagang mag-aabang, ay, maghihintay siya:
Sanlinggong maghihintay: aasa buong Abril.
Di ka dapat mamatay ngayong araw na ito.
Kamataya'y nariyan, sa pagliban mo’y nayag.
Tiyak kong maghihintay iyang si Kamatayang
kayrami ng panahon. Maaari ka niyang
dalawin kahit bukas. O sa isang linggo pa.
Nasa kalye lang siya; na parang kapitbahay;
na mapupuntahan ka sa anumang sandali.
Hindi mo kailangang mamatay agad ngayon.
Dito ka - sumimangot, masaktan o mainis.
Dito ka lang. Balita'y abangan natin bukas.
Walang tutubong lunti sa puntod. Tandaan mo:
Lunti ang iyong kulay. At ikaw ang Tagsibol.
11.22.2026
To The Young Who Want To Die
by Gwendolyn Brooks
Sit down. Inhale. Exhale.
The gun will wait. The lake will wait.
The tall gall in the small seductive vial
will wait will wait:
will wait a week: will wait through April.
You do not have to die this certain day.
Death will abide, will pamper your postponement.
I assure you death will wait. Death has
a lot of time. Death can
attend to you tomorrow. Or next week. Death is
just down the street; is most obliging neighbor;
can meet you any moment.
You need not die today.
Stay here—through pout or pain or peskyness.
Stay here. See what the news is going to be tomorrow.
Graves grow no green that you can use.
Remember, green's your color. You are Spring.
