Biyernes, Disyembre 12, 2008

ChaCha ni Gloria, Ibasura

CHACHA NI GLORIA, IBASURA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig, soneto

ChaCha ni Gloria, Ibasura
Sa ChaCha'y di tayo iindak
At di rin tayo pasisindak
Sa mga pakana ni pandak

Pamamahala na nga'y palpak
Ang rating na nga niya'y bagsak
Bayan pa'y dadalhin sa burak
At pinagagapang sa lusak.

ChaCha ni Gloria, Ibasura
Sa ChaCha'y di tayo sasayaw
Halina't tayo nang gumalaw
Laban sa ChaCha ng halimaw.

Halina't ChaCha'y ibasura
Ibasura na rin si Gloria!

Ang Pisong Dyaryo

ANG PISONG DYARYO
KAYANG-KAYA MO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 pantig

munting dyaryo ng masa
kumuha ka ng kopya
piso lang ang pagbili
mababasa'y marami
ang pisong inambag mo
kaylaking tulong nito
nang makagawa muli
ng dyaryo kahit munti

(paalalang nakasulat sa pahayagang Taas-Kamao na pimamamatnugutan ng makata)