Martes, Marso 31, 2026
Pamasahe ng ubanin
PAMASAHE NG UBANIN
kapag nagbayad ako ng bente
imbes ang sukli ko ay siyete
susuklian ako ng nuwebe
dapat pamasahe ko ay trese
akala senyor na kayâ onse
- gregoriovbituinjr.
03.31.2026
* mapapanood ang munting bidyo sa kawing na:
https://www.facebook.com/share/v/1Ei5bLGCbZ/
Tulawit sa kababaihan
TULAWIT SA KABABAIHAN
sina Maria Clara, Juli, at Sisa
ay imbento ni Rizal sa nobela,
Gabriela, Oriang, Liza, Lorena
babaeng tunay sa ating historya
- gregoriovbituinjr.
03.31.2026
* Gabriela Silang, Gregoria "Oriang" de Jesus, Liza Balando, Lorena Barros
* mapapanood ang munting bidyo sa kawing na:
https://www.facebook.com/share/r/18jy7V6NcV/
Mga Mas Bagong Post
Mga Lumang mga Post
Home
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)