MEMENTO MORI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig
Babalik na ako sa aking pinagmulan
Upang di na lumisan magpakailanman
Ako'y aapak sa lupang sinapupunan
Naghihinagpis ngunit maligaya naman
At lilikha ng tulang walang kamatayan
Para sa aking kapwa sa sandaigdigan
Mga labi ko'y nais kong maging pataba
Nang makapagdulot ng ginhawa sa kapwa
Ayokong ako'y ikukulong lang sa kaha
Kahit walang puntod ako na'y maligaya
Linggo, Marso 22, 2009
Huwag Sumapi sa Tropang Lie-Low
HUWAG SUMAPI SA TROPANG LIE-LOW
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig
Huwag tayong sumapi sa tropang lie-low
Pagkat myembro dito'y pawang palasuko
Dati silang aktibistang masisikhay
Na sumumpang buhay man ay iaalay
Nuong una'y masisigasig sa layon,
Bandang huli'y iniwan ang rebolusyon.
Uunahin daw ang kanilang pamilya
At ang rebolusyon ay saka na muna.
Ganito ang prinsipyo ng tropang lie-low
Sa gitna ng laban, iniiwan tayo!
Huwag sundin ang kanilang halimbawa
Na sa apoy ng rebo ay patang-pata
Pag nang-iiwan sa ere ang kasama
Aba'y iwan na't pabayaan na sila.
Paano susulong itong rebolusyon?
Kahit wala sila tayo ay susulong!
Patuloy ang rebo't aabante tayo
Hanggang makamit ang mithing pagbabago.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig
Huwag tayong sumapi sa tropang lie-low
Pagkat myembro dito'y pawang palasuko
Dati silang aktibistang masisikhay
Na sumumpang buhay man ay iaalay
Nuong una'y masisigasig sa layon,
Bandang huli'y iniwan ang rebolusyon.
Uunahin daw ang kanilang pamilya
At ang rebolusyon ay saka na muna.
Ganito ang prinsipyo ng tropang lie-low
Sa gitna ng laban, iniiwan tayo!
Huwag sundin ang kanilang halimbawa
Na sa apoy ng rebo ay patang-pata
Pag nang-iiwan sa ere ang kasama
Aba'y iwan na't pabayaan na sila.
Paano susulong itong rebolusyon?
Kahit wala sila tayo ay susulong!
Patuloy ang rebo't aabante tayo
Hanggang makamit ang mithing pagbabago.
Uwak at Pulitiko
UWAK AT PULITIKO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig
Uwak lamang ang tumatawag
Sa sarili niyang pangalan
Kapara nitong pulitiko
Na ang bukambibig ay "Ako"
"Ako ang nagpagawa niyan
Ako rin ang nagpondo riyan
Sa akin ang ganyang proyekto
At yaon ay pinagawa ko.
Pinasemento ko ang daan
Pati na iyang basketbulan.
Ako'y inyong dapat iboto
Pagkat ako nga'y makatao!"
Siya ba'y talagang seryoso
Na makapaglingkod sa tao?
Tingin sa maralita'y boto
Tingin sa serbisyo'y negosyo
Istorbo ang tingin sa masa
Pag nilapitan sa problema
Pulos "Ako" ang maririnig
Tila uwak ay dinadaig
Kapwa parehong sinasambit
Ngalan nila sa lumalapit.
"Uwak, uwak" sabi ng isa
"Ako, ako" anang isa pa.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig
Uwak lamang ang tumatawag
Sa sarili niyang pangalan
Kapara nitong pulitiko
Na ang bukambibig ay "Ako"
"Ako ang nagpagawa niyan
Ako rin ang nagpondo riyan
Sa akin ang ganyang proyekto
At yaon ay pinagawa ko.
Pinasemento ko ang daan
Pati na iyang basketbulan.
Ako'y inyong dapat iboto
Pagkat ako nga'y makatao!"
Siya ba'y talagang seryoso
Na makapaglingkod sa tao?
Tingin sa maralita'y boto
Tingin sa serbisyo'y negosyo
Istorbo ang tingin sa masa
Pag nilapitan sa problema
Pulos "Ako" ang maririnig
Tila uwak ay dinadaig
Kapwa parehong sinasambit
Ngalan nila sa lumalapit.
"Uwak, uwak" sabi ng isa
"Ako, ako" anang isa pa.
Sa Lipunang Salat
SA LIPUNANG SALAT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Sa lipunang kayrami ng salat
Maraming namamatay ng dilat
Mga mata pa'y nakamulagat
Kaginhawaa'y di nalalambat
Inuulam na'y asing maalat.
Pag may isang lihim na naungkat
Hinggil sa taong nagpakabundat
Habang lipunan ay nagsasalat
Ito'y uusiging walang puknat
Pagkat ginawa niya'y salungat.
Kung may anumang nakakasapat
Ay dapat ibahagi sa lahat
Ito ang panuntunang marapat
Ipatupad sa lipunang salat.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Sa lipunang kayrami ng salat
Maraming namamatay ng dilat
Mga mata pa'y nakamulagat
Kaginhawaa'y di nalalambat
Inuulam na'y asing maalat.
Pag may isang lihim na naungkat
Hinggil sa taong nagpakabundat
Habang lipunan ay nagsasalat
Ito'y uusiging walang puknat
Pagkat ginawa niya'y salungat.
Kung may anumang nakakasapat
Ay dapat ibahagi sa lahat
Ito ang panuntunang marapat
Ipatupad sa lipunang salat.
Sa Bentador ng Laban ng Manggagawa
SA BENTADOR NG LABAN NG MANGGAGAWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
16 pantig
Sino ka mang bentador ng laban ng manggagawa
Sa aming mga obrero'y huwag kang magpapakita
Tiyak ibubuhos namin ang aming poot sa iyo
Pagkat ang ginawa mo'y kapahamakan sa obrero.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
16 pantig
Sino ka mang bentador ng laban ng manggagawa
Sa aming mga obrero'y huwag kang magpapakita
Tiyak ibubuhos namin ang aming poot sa iyo
Pagkat ang ginawa mo'y kapahamakan sa obrero.
Walang Kibo
WALANG KIBO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
tulang siyampituhan
Ang tao raw na walang kibo
Nasasa loob daw ang kulo.
Ang utak ba niya'y tuliro
O puso niya'y nagdurugo?
Kung may poot sa kanyang puso
Dapat na iyon ay maglaho
Baka yaong tao'y kumibo.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
tulang siyampituhan
Ang tao raw na walang kibo
Nasasa loob daw ang kulo.
Ang utak ba niya'y tuliro
O puso niya'y nagdurugo?
Kung may poot sa kanyang puso
Dapat na iyon ay maglaho
Baka yaong tao'y kumibo.
Laban sa Hustisyang Pangmayaman
LABAN SA HUSTISYANG PANGMAYAMAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig
Ang awiting "Tatsulok" ay sadyang malamàn
Sa mensahe nitong napakalinaw naman:
"Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman."
Kung mayaman lang pala ang makakatanggap
Ng hustisyang sa maralita ay kay-ilap
O, kawawang sadya ang mga mahihirap
Sadyang ang gobyerno'y di sila nililingap.
Ang pagkatao nila'y mistulang alipin
Ng sistemang bulok na dapat nang baguhin
Kaya maralita'y dapat nang pangarapin
Ang isang sistemang di sila mamatahin.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig
Ang awiting "Tatsulok" ay sadyang malamàn
Sa mensahe nitong napakalinaw naman:
"Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman."
Kung mayaman lang pala ang makakatanggap
Ng hustisyang sa maralita ay kay-ilap
O, kawawang sadya ang mga mahihirap
Sadyang ang gobyerno'y di sila nililingap.
Ang pagkatao nila'y mistulang alipin
Ng sistemang bulok na dapat nang baguhin
Kaya maralita'y dapat nang pangarapin
Ang isang sistemang di sila mamatahin.
Utang
UTANG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig
Anumang tinawag na utang
Ay sapilitang babayaran
Salapi man o kagamitan
Katumbas noo'y ibalik lang.
Utang ay matinong usapan
Ng nanghiram at hiniraman
Pag utang mo'y di binayaran
Parang nagnakaw ka rin niyan.
Pagbabayad ay katapatan
Sa anumang napag-usapan
Bayad dapat ay walang kulang
Bayaran anumang hiniram.
May mga bagay na inutang
Kahit hindi napag-usapan
Ngunit dapat lamang bayaran
Pagkat ito'y utang rin naman.
Pag salapi yaong inutang
Ibalik ang katumbas niyan
Ngunit pag buhay ang inutang
Buhay rin yaong kabayaran.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig
Anumang tinawag na utang
Ay sapilitang babayaran
Salapi man o kagamitan
Katumbas noo'y ibalik lang.
Utang ay matinong usapan
Ng nanghiram at hiniraman
Pag utang mo'y di binayaran
Parang nagnakaw ka rin niyan.
Pagbabayad ay katapatan
Sa anumang napag-usapan
Bayad dapat ay walang kulang
Bayaran anumang hiniram.
May mga bagay na inutang
Kahit hindi napag-usapan
Ngunit dapat lamang bayaran
Pagkat ito'y utang rin naman.
Pag salapi yaong inutang
Ibalik ang katumbas niyan
Ngunit pag buhay ang inutang
Buhay rin yaong kabayaran.
Pag Nangusap ang Salapi
PAG NANGUSAP ANG SALAPI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig, soneto
Karaniwang natatalo ng imbi
Ang mga taong may mabuting sanhi
Kapag nangusap na yaong salapi
Bigla silang magtetengang-kawali
Nauumid na pati mga labi
Magbubulag-bulagan kahit hindi
At naglulumuhod pang dali-dali.
Nang dahil sa pera'y nananaghili
Sila'y pawang nagbabakasakali
Na mabiyayaan kahit kaunti.
Prinsipyong tangan nila'y napapawi
Agad nang isinasangla ang puri
Tulad nila'y sadyang kamuhi-muhi
Mga hunyango'y kanilang kawangki.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig, soneto
Karaniwang natatalo ng imbi
Ang mga taong may mabuting sanhi
Kapag nangusap na yaong salapi
Bigla silang magtetengang-kawali
Nauumid na pati mga labi
Magbubulag-bulagan kahit hindi
At naglulumuhod pang dali-dali.
Nang dahil sa pera'y nananaghili
Sila'y pawang nagbabakasakali
Na mabiyayaan kahit kaunti.
Prinsipyong tangan nila'y napapawi
Agad nang isinasangla ang puri
Tulad nila'y sadyang kamuhi-muhi
Mga hunyango'y kanilang kawangki.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)