PASKIL SA SAHIG NG TRAYSIKEL
may abiso sa sahig ng traysikel
kong sinakyan: "Bawal manigarilyo"
tagos sa puso't diwa'y umukilkil
kahit sa makatang di nagbibisyo
kundi ang magsulat ng kwento't tula
minsan paksa'y yaong nasa hinagap
bisyo'y pagninilay at tumingala
sa kisame o kaya'y alapaap
anong masasabi ng nagyoyosi
na may paalala doon sa sahig
tunay iyong mahalagang mensahe
ipinaskil ang di maisatinig
salamat at may paalalang ganyan
habang patungo sa paroroonan
- gregoriovbituinjr.
12.17.2024
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/wwAHJD8msl/