BAKIT MAY BUNGO SA 2 AKLAT KAY SHAKESPEARE?
Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr.
May dalawa akong aklat hinggil kay William Shakespeare, at ang pabalat ng mga ito ay mayroong bungo. Bagamat may dalawang pulang rosas sa tabi ay mas kapansin-pansin ang bungo. Kaya napatanong ako sa aking sarili. Bakit may bungo ang mga iyon gayong magkaibang libro iyon at magkaiba rin ang naglathala? Ano ang kaugnayan ng bungo sa pabalat ng aklat ni/hinggil kay William Shakespeare? Ano ang sinisimbolo ng bungo sa mga nasabing aklat? Kailangan kong magsaliksik.
Ang aklat na The Sonnets ni William Shakespeare, na nilathala ng Collins Classics noong 2016, ay nabili ko noong Mayo 14, 2019 sa Fully Booked sa Gateway, Cubao, sa halagang P99.00. Nilalaman nito ang 154 na soneto ni Shakespeare. At may kabuuang 199 pahina, kasama ang 21 pahinang naka-Roman numeral.
Nakita ko naman kamakailan lang ang aklat na The Little Book of Shakespeare. Nilathala ito ng DK Penguin Random House noong Mayo 2018. Binili ko ito sa Book Sale ng SM Fairview noong Pebrero 9, 2024 sa halagang P195.00. Naglalaman ito ng 208 pahina.
Hinanap ko sa copyright page ng bawat aklat, o sa anumang pahina nito ang paliwanag hinggil sa pabalat, lalo na ang bungo, subalit walang nakasulat hinggil dito. Naghanap na lang ako ng paliwanag sa ibang sources sa internet.
Sa paksang Human Skull Symbolism sa wikipedia, mula sa kawing na https://en.wikipedia.org/wiki/Human_skull_symbolism ay ito ang nakasulat: "One of the best-known examples of skull symbolism occurs in Shakespeare's Hamlet, where the title character recognizes the skull of an old friend: "Alas, poor Yorick! I knew him, Horatio; a fellow of infinite jest..." Hamlet is inspired to utter a bitter soliloquy of despair and rough ironic humor."
Kasunod pang talata nito ay: "Compare Hamlet's words "Here hung those lips that I have kissed I know not how oft" to Talmudic sources: "...Rabi Ishmael [the High Priest]... put [the severed head of a martyr] in his lap... and cried: oh sacred mouth!...who buried you in ashes...!". The skull was a symbol of melancholy for Shakespeare's contemporaries."
Ito naman ang nakasaad sa isa pang artikulo, mula sa kawing na https://www.johncoulthart.com/feuilleton/2006/02/15/history-of-the-skull-as-symbol/
"Think of the scene from Shakespeare’s Hamlet where the prince holds a skull of Yorick, a former servant, bemoaning the pointlessness and temporary nature of worldly matters. Certain themes characteristic of a specific philosophy have been commonly represented during an era, and an iconography has been developed to express them. an example is the still life vanitas vanitatum of the middle ages, a reminder of the transitory quality of earthly pleasure symbolized by a skull."
Ipinaliwanag naman sa the Conversation, na nasa kawing na https://theconversation.com/shakespeare-skulls-and-tombstone-curses-thoughts-on-the-bards-deathday-55984, na ang imahe ng taong may hawak na bungo ay nagpapagunita kay Hamlet, at sa awtor nitong si William Shakespeare:
"The image of a man holding a skull while ruminating upon mortality will always call Hamlet, and Shakespeare, to mind. How appropriate then, that four centuries after it was first laid beneath the earth, Shakespeare’s skull may be missing from his tomb. Then again, it may not. A radar survey of the poet’s Stratford grave in March has only deepened the mystery over what lies beneath his slab. As the world prepares to celebrate the sombre yet irresistible anniversary of Shakespeare’s death on April 23, how much do we know how about his own wishes for the fate of his remains?"
Dagdag pa sa nasabing artikulo: "Most memorably, Hamlet watches a gravedigger wrench dry bones from a grave to make room for the body of Ophelia: “That skull had a tongue in it and could sing once. How the knave jowls it to the ground!” The indignities meted out to the bodies of the dead seem to unsettle the Prince of Denmark more than the fact of death itself."
Binabanggit naman sa isang artikulo ang Hamlet Skull Scene, mula sa kawing na https://nosweatshakespeare.com/blog/hamlet-skull-scene/. Ano naman ito?
"The skull appears in Act 5, Scene 1 of Hamlet. This scene, commonly known as the “gravedigger scene”, was used by Shakespeare to create some comic relief in the tragic Hamlet plot."
"Generally, comic relief is meant to lessen the dramatic tension, and to give some sort of relief to the audience by injecting humorous or ironic elements into the play. But, in the case of Shakespeare’s tragedies, the comic relief is more than first meets the eye."
"Like in Hamlet, the gravedigger scene uses comedy to comment on larger issues regarding life, death, and Christianity. This portion of this scene where Hamlet is conversing with a skull introduces much complexity. Hamlet’s monologue centered on the skull revolves closely around the vanity of life and the existential crisis within a man."
"How is the skull discovered? The famous skull is first introduced to the play by a gravedigger, who is helping to prepare a grave for recently dead Ophelia."
"Suddenly, Hamlet and Horatio enter the scene. They are crossing the graveyard, and, seeing two gravediggers working, they stop to talk with them. During the conversation, one gravedigger shows the skull to Hamlet. Thereafter Hamlet takes the skull from him and starts to brood upon it in the play."
Hinawakan ni Hamlet ang bungo ng isang aliping nagngangalang Yorick, nang matagpuan iyon ng isang sepulturerong naghahanda sa paglilibing sa babaeng nagngangalang Ofelia. At dahil sikat ang Hamlet sa maraming akda ni Shakespeare, ito ang paboritong ilagay sa mga pabalat ng aklat ni Shakespears. Subalit sapantaha ko lang ito. Wala pa akong makitang paliwanag talaga kung bakit may bungo sa mga aklat ni Shakespeare.
May mga akda pang nagtatanong kung nawala nga ba sa puntod ni Shakespeare ang kanyang ulo. Ayon sa The Guardian, masmidya na pag-aari ng British, may artikulong ang pamagat ay ito: "Shakespeare's skull probably stolen by grave robbers, study finds". At sa Scientific Amedican naman, na may petsang Marso 31, 2016, halos kasabay ng ika-400 araw ng kanyang kamatayan, ang pamagat ay ito: "Shakespeare's Skull May Have Been Stolen by Grave Robbers" mula sa kawing na https://www.scientificamerican.com/article/shakespeare-s-skull-may-have-been-stolen-by-grave-robbers/.
Subalit hindi pa rin iyon ang dahilang hinahanap ko kung bakit may larawang bungo sa dalawa kong nabanggit na aklat. Walang eksaktong paliwanag. Gayunpaman, kung nais marahil nating malaman bakit may bungo sa mga pabalat ng aklat ni Shakespeare, ay dapat nating basahin ang akda niyang Hamlet.
Nagkataon naman na ngayong 2024 ay ipagdiriwang natin ang ika-460 kaarawan ni Shakespeare, na sinasabing isinilang noong Abril 23, 1564 at namatay sa gayon ding araw at buwan noong 1616. Kaya marahil napansin ko ang bungo ni Shakespeare sa dalawang magkaibang aklat.
Sa munting pagninilay ay ginawan ko ng tula ang isyung ito:
BAKIT NGA BA MAY BUNGO SA AKLAT NI SHAKEPEARE
umukilkil sa aking diwa'y isang tanong
bakit may bungo sa mga aklat ni Shakespeare?
naghanap ako ng paliwanag o tugon
kaninong bungo iyon, ng isa bang martir?
kanyang soneto'y unti-unti kong isalin
sa wikang Filipino, sa wikang pangmasa
anumang hinggil sa kanya'y nais alamin
upang makasulat pa rin tungkol sa kanya
nabanggit si Hamlet na may tangan ng bungo
ni Yorick na aliping sa kanya'y nagsilbi
may-akdang si Shakepeare din ay mapagtatanto
dalawang paksang sa bungo'y may masasabi
subalit hanap ko pa rin ang paliwanag
kung bakit may bungo sa dalawang pabalat
sa artikulong makakatayong matatag
na sa akin ay sadyang makapagmumulat
02.12.2024