Miyerkules, Disyembre 1, 2021

Dalawang aklat

THE STORY AND ITS WRITER
An Introduction to Short Fiction

Nauna kong nabili ang Compact Sixth Edition nito noong Mayo 9, 2019, sa Book Sale, sa gilid ng Shopwise sa Cubao, sa halagang P265.00, na umaabot ng 1060 pahina.

Dalawa't kalahating taon ang lumipas, nabili ko naman ang mas makapal na Fifth Edition nito noong Nobyembre 12, 2021 sa BookEnds BookShop sa Lungsod ng Baguio, sa halagang P250.00, nasa 1748 pahina. 

Di ko akalaing mabili ang parehong aklat na magkaiba ng edisyon. Gayunman, salamat at magkaiba pa rin silang aklat. Kundi'y doble-doble ang nabili ko. Pawang mahalagang collector's item at magandang pag-aralan ng tulad kong nais pang matuto sa pagsulat ng maikling kwento.

dalawang aklat hinggil sa kwento at manunulat
mga collector's item na dama ko'y mapagmulat
na maraming matututunan pag ito'y nabuklat
kayganda, "The Story and Its Writer" ang pamagat

kahanga-hanga ang The Necklace ni Guy de Maupassant
kaya ayokong magkaroon ng anumang utang
si Edgar Allan Poe, makata rin sa kahusayan
Nicolai Gogol, Joyce Carol Oates, Ann Beattie, Amy Tan

may kwento ang dakilang Gabriel Garcia Marquez
na ginawaran ng Nobel Prize sa akdang makinis
si Joseph Conrad, may matinding kwentong Heart of Darkness
may End of the Duel ang makatang Jorge Luis Borges

pangalang Anton Chekhov, John Steinbeck, Octavio Paz,
Leo Tolstoy, William Faulkner, sa kwento'y makakatas
kung paano magsulat ang mga nasabing pantas
tulad din ng Agos sa Disyerto'y kaygandang danas

- gregoriovbituinjr.
12.01.2021