ANO BA ANG M.U.?
Ano ba ang MU? Malagong Ubasan?
Masarap Upakan? Mandigma't Ubusan?
Magandang Ulitin? Mabisang Ulatan?
Makislap ang Ulo? Madaling Utusan?
Mabuti't Umubra? Mahirap Umamo?
Makibaka'y Una? Makaiskor: Uno?
Masiglang Umupo? Madalas Umubo?
Madaling Uohan? Mag-Utos sa iyo?
O nasa Manila University ka,
O ito'y Malabon University na,
O kaya'y Makati University pa!
At ang mas matindi, Miss Universe pala!
Bakit kailangan ang makipag-MU?
Makikipag-Ugnay sa ano bang isyu?
Mutual Understanding, sabi ng biyudo.
Matinong Usapan? Aba'y Maki-Uso?
- gregoriovbituinjr.
08.30.2026

