MULA SA RADYO: REMEMBER SOMEONE TODAY
kaysarap pakinggan ng musika
ng pagsintang may inaalala
sa radyo lalo na't sasabihin:
"Remember someone today" na bilin
sino pa ba ang nagugunitâ
ng taring na biyudong makatâ
kundi ang kanyang itinatangi
at sanhi ng kanyang mga hikbi
kaygagandang awit ng pag-ibig
animo pagsinta'y di malupig
ng anumang panganib at hirap
ng loob na madalas malasap
salamat sa gayong mga tugtog
na tila sa sinta'y inihandog
- gregoriovbituinjr.
03.22.2026
* mula sa istasyong 96.3 Easy Rock
* mapapanood ang munting bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/1BGVkrqqrx/



