KWENTO NG LIMANG DALIRI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig
Magkakapatid na totoo
Ang limang daliri ng tao
Sila'y lagi nang magugulo
At isa'y laging niloloko.
Narito ang kanilang kwento:
Apat na daliri'y nagbida
Sa pagtipa'y kaysipag nila
Kompyuter man o makinilya
Hinlalaki lang ay suporta
kaya't tinatawanan nila.
Ngunit sila na'y napahiya
Nang hinlalaki'y pinagpala
Pagkat cellphone ay nauso nga
Dito'y siya ang tagatipa
Habang iba'y nakatulala.
Hinlalaki'y napapangiti
Sila raw nama'y magkalahi
Kaya di dapat managhili
Magkaiba lang daw ng gawi
Silang limang mga daliri.
Martes, Oktubre 21, 2008
Patak sa Gripo
PATAK SA GRIPO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Tik-tak-tik, iyo pa bang nababatid
Tubig ay ginto sa bawat kapatid
Tik-tak-tik, sahurin natin ang tubig
Pagkat kung ito'y tuluyang masaid
Tik-tak-tik, uhaw ay di mapapatid.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Tik-tak-tik, iyo pa bang nababatid
Tubig ay ginto sa bawat kapatid
Tik-tak-tik, sahurin natin ang tubig
Pagkat kung ito'y tuluyang masaid
Tik-tak-tik, uhaw ay di mapapatid.
Bagay Ba Sila?
BAGAY BA SILA?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Bagay ba at dapat magkatuluyan
Ang isang babaeng may nakaraan
At lalaking walang kinabukasan?
Maari, basta't sila'y magmahalan
At isa't isa'y huwag pabayaan.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Bagay ba at dapat magkatuluyan
Ang isang babaeng may nakaraan
At lalaking walang kinabukasan?
Maari, basta't sila'y magmahalan
At isa't isa'y huwag pabayaan.
Bakit Pinalalaya'y Kriminal?
BAKIT PINALALAYA'Y KRIMINAL
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Anong tawag natin sa asal
Nitong gobyernong tila hangal
Na nagpalaya ng kriminal
Na sa dalagita'y sumakmal.
Dapat bilanggong pulitikal
Ang pinalaya't di pusakal
Matwid kung ito ang inasal.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Anong tawag natin sa asal
Nitong gobyernong tila hangal
Na nagpalaya ng kriminal
Na sa dalagita'y sumakmal.
Dapat bilanggong pulitikal
Ang pinalaya't di pusakal
Matwid kung ito ang inasal.
Dapat Internasyunalismo
DAPAT INTERNASYUNALISMO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Dapat internasyunalismo
At hindi lang nasyonalismo
Na salik nitong pagbabago
Ang dapat angkinin ng tao.
Kung nais mo'y payapang mundo
Dapat mong tanganang prinsipyo
Ay ang internasyunalismo.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Dapat internasyunalismo
At hindi lang nasyonalismo
Na salik nitong pagbabago
Ang dapat angkinin ng tao.
Kung nais mo'y payapang mundo
Dapat mong tanganang prinsipyo
Ay ang internasyunalismo.
Manggagawa Ba Ang Huhusga?
MANGGAGAWA BA ANG HUHUSGA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Manggagawa ba ang huhusga
Na mababago ang sistema?
Baka naman di nila kaya
Pagkat walang pagkakaisa.
Kung sila ba'y maorganisa
Ito bang bulok na sistema
Ay kaya na nilang mahusga?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Manggagawa ba ang huhusga
Na mababago ang sistema?
Baka naman di nila kaya
Pagkat walang pagkakaisa.
Kung sila ba'y maorganisa
Ito bang bulok na sistema
Ay kaya na nilang mahusga?
Karapatan Nating Magrali
KARAPATAN NATING MAGRALI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Ang pagrarali'y karapatan
Ng bawat isang mamamayan
Dito ang hinaing ng bayan
Ay baka-sakaling pakinggan.
Tayo'y sumama sa lansangan
Sabihin ang nararamdaman
Pagkat ang rali'y karapatan.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Ang pagrarali'y karapatan
Ng bawat isang mamamayan
Dito ang hinaing ng bayan
Ay baka-sakaling pakinggan.
Tayo'y sumama sa lansangan
Sabihin ang nararamdaman
Pagkat ang rali'y karapatan.
Paanyaya ng Isang Tibak
PAANYAYA NG ISANG TIBAK
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Halina't lapitan ang masa
Ang manggagawa't magsasaka
Kababaiha't manininda
Maralita't ibang sektor pa.
Sila'y dapat maorganisa
Laban sa bulok na sistema
Halina't tulungan ang masa.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Halina't lapitan ang masa
Ang manggagawa't magsasaka
Kababaiha't manininda
Maralita't ibang sektor pa.
Sila'y dapat maorganisa
Laban sa bulok na sistema
Halina't tulungan ang masa.
Aktibista'y Kailangan
AKTIBISTA'Y KAILANGAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Aktibista ako ng bayan
Akin pong ipinaglalaban
Ang kagalingan nitong bayan
At ng kapwa ko mamamayan.
Ngunit kung ang pamahalaan
At lipunan ay matino lang
Aktibista ba'y kailangan?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Aktibista ako ng bayan
Akin pong ipinaglalaban
Ang kagalingan nitong bayan
At ng kapwa ko mamamayan.
Ngunit kung ang pamahalaan
At lipunan ay matino lang
Aktibista ba'y kailangan?
Patulong Ka Sa Aktibista
PATULONG KA SA AKTIBISTA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
AKtibista'y kailangan pa
Pagkat bulok pa ang sistema
Nariyan ang kapitalista
Na tao ang kalakal nila.
Kung kabuluka'y patuloy pa
At pagbabago'y nais mo na
Patulong na sa aktibista.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
AKtibista'y kailangan pa
Pagkat bulok pa ang sistema
Nariyan ang kapitalista
Na tao ang kalakal nila.
Kung kabuluka'y patuloy pa
At pagbabago'y nais mo na
Patulong na sa aktibista.
Gobyerno'y Pulos Demolisyon
GOBYERNO'Y PULOS DEMOLISYON
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Bakit ba laging demolisyon
Ang parati nilang solusyon?
Kahit wala pang relokasyon
Dukha'y hinuhulog sa balon.
Ito lang ba ang kaya ngayon
Nitong gobyernong walang solusyon
Sa dukha kundi demolisyon?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Bakit ba laging demolisyon
Ang parati nilang solusyon?
Kahit wala pang relokasyon
Dukha'y hinuhulog sa balon.
Ito lang ba ang kaya ngayon
Nitong gobyernong walang solusyon
Sa dukha kundi demolisyon?
Hikbi Laban sa Demolisyon
HIKBI LABAN SA DEMOLISYON
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Dinurog ang kanilang bahay
Pati gamit pa'y hinalukay
O, dinala kayo sa hukay
Ng gobyernong bantay-salakay.
Ang hikbi ng maraming nanay
Di lang bahay ang napawalay
Dinurog na'y kanilang buhay.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Dinurog ang kanilang bahay
Pati gamit pa'y hinalukay
O, dinala kayo sa hukay
Ng gobyernong bantay-salakay.
Ang hikbi ng maraming nanay
Di lang bahay ang napawalay
Dinurog na'y kanilang buhay.
Kayrami Nang Batas
KAYRAMI NANG BATAS
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Ang bansa'y kayrami nang batas
Batas na kayrami nang butas
Sinasanggalang ang malakas
At mahihina'y hinuhudas.
Paano ba maging parehas
Kung may mahina at malakas?
May hustisya nga ba sa batas?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Ang bansa'y kayrami nang batas
Batas na kayrami nang butas
Sinasanggalang ang malakas
At mahihina'y hinuhudas.
Paano ba maging parehas
Kung may mahina at malakas?
May hustisya nga ba sa batas?
Kapit-Tuko
KAPIT-TUKO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Ang pulitiko pag nangako
Karaniwan nang napapako
Desisyon nila'y liku-liko
At sa poder pa'y kapit-tuko.
Paano nga ba maglalaho
Itong pulitikong may toyo
Na ang gawi'y laging mangako.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Ang pulitiko pag nangako
Karaniwan nang napapako
Desisyon nila'y liku-liko
At sa poder pa'y kapit-tuko.
Paano nga ba maglalaho
Itong pulitikong may toyo
Na ang gawi'y laging mangako.
Pulitiko at Plastik
PULITIKO AT PLASTIK
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Plastik ay sadyang kayrami na
At lagi na lang bumabara
Sa kanal ng mga kalsada
Pulitiko'y kanyang kagaya.
Minsanan lang ang gamit nila
At sa mundo sila'y tambak na
Huwag silang paramihin pa.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Plastik ay sadyang kayrami na
At lagi na lang bumabara
Sa kanal ng mga kalsada
Pulitiko'y kanyang kagaya.
Minsanan lang ang gamit nila
At sa mundo sila'y tambak na
Huwag silang paramihin pa.
Pulitikong Plastik
PULITIKONG PLASTIK
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Siya ang pulitikong plastik
Na sa halalan ay kaytinik
Di ibinoboto ang lintik
Ngunit nananalo ang putik.
Pag taumbayan na'y humibik
Itong pulitiko'y tahimik.
May aasahan ba sa plastik?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Siya ang pulitikong plastik
Na sa halalan ay kaytinik
Di ibinoboto ang lintik
Ngunit nananalo ang putik.
Pag taumbayan na'y humibik
Itong pulitiko'y tahimik.
May aasahan ba sa plastik?
Pulitikong Maiitim ang Buto
PULITIKONG MAIITIM ANG BUTO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Sadya bang maitim ang buto
Nitong palalong pulitiko
Sadya bang sila'y mga tuso
Kaya ang tao'y niloloko?
Kung ginagawa nila ito
Upang dumami yaong boto
Sila nga'y kay-itim ng buto.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Sadya bang maitim ang buto
Nitong palalong pulitiko
Sadya bang sila'y mga tuso
Kaya ang tao'y niloloko?
Kung ginagawa nila ito
Upang dumami yaong boto
Sila nga'y kay-itim ng buto.
Huwag Makipagpatintero sa Lansangan
HUWAG MAKIPAGPATINTERO SA LANSANGAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Huwag makipagpatintero
Sa mga bus na tumuturbo
Footbridge ay dapat akyatin mo
Nang di ka naman matuliro.
Baka sakuna'y makatyempo
At masayang lang ang buhay mo
Kapag nakipagpatintero.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Huwag makipagpatintero
Sa mga bus na tumuturbo
Footbridge ay dapat akyatin mo
Nang di ka naman matuliro.
Baka sakuna'y makatyempo
At masayang lang ang buhay mo
Kapag nakipagpatintero.
Ang Ulong Mainit
ANG ULONG MAINIT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Kung ikaw na ay nagagalit
At ang ulo mo'y umiinit
Kahit sa usaping maliit
Ang payo ko sa iyo’t hirit:
Pag-usapan ang hinanakit
Usapi'y unawaing pilit
Upang di ka agad magalit.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Kung ikaw na ay nagagalit
At ang ulo mo'y umiinit
Kahit sa usaping maliit
Ang payo ko sa iyo’t hirit:
Pag-usapan ang hinanakit
Usapi'y unawaing pilit
Upang di ka agad magalit.
Si Pedrong Kulit
SI PEDRONG KULIT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Ang sigang si Pedro'y kaykulit
At pati bata'y nilalait
Pagkat sila raw ay maliit
Kaya mga bata'y nagalit.
Nagkaisa silang iligpit
Itong si Pedro pag umulit
At si Pedro'y di na nangulit.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Ang sigang si Pedro'y kaykulit
At pati bata'y nilalait
Pagkat sila raw ay maliit
Kaya mga bata'y nagalit.
Nagkaisa silang iligpit
Itong si Pedro pag umulit
At si Pedro'y di na nangulit.
Ang Dapat Tingnan
ANG DAPAT TINGNAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Ano bang ating tinitingnan
Sa ating kapwa't kababayan
Ito ba'y yaong kabutihan
O ang kanilang kakulangan?
Maigi yata'y kabuluhan
O ang kanilang kabuuan
Ang dapat nating tinitingnan.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Ano bang ating tinitingnan
Sa ating kapwa't kababayan
Ito ba'y yaong kabutihan
O ang kanilang kakulangan?
Maigi yata'y kabuluhan
O ang kanilang kabuuan
Ang dapat nating tinitingnan.
Lagi Mang Abala
LAGI MANG ABALA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Ako man ay laging abala
Sa trabaho'y di magambala
Lagi kang nasa alaala
Na tila nagpapaalala.
Sa panaginip, naroon ka
Sa pangarap, kasama kita
Kahit ako'y laging abala.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Ako man ay laging abala
Sa trabaho'y di magambala
Lagi kang nasa alaala
Na tila nagpapaalala.
Sa panaginip, naroon ka
Sa pangarap, kasama kita
Kahit ako'y laging abala.
Huwag Manungkit sa Sampayan
HUWAG MANUNGKIT SA SAMPAYAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Huwag manungkit sa sampayan
Hindi mo naman gamit iyan
Kawawa ang may kasuotan
Pag iyo silang ninakawan.
Pagkat pag nahuli ka riyan
Baka bugbugin kang tuluyan
At ibitin pa sa sampayan.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Huwag manungkit sa sampayan
Hindi mo naman gamit iyan
Kawawa ang may kasuotan
Pag iyo silang ninakawan.
Pagkat pag nahuli ka riyan
Baka bugbugin kang tuluyan
At ibitin pa sa sampayan.
Araw ni Hinlalaki
ARAW NI HINLALAKI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Apat na daliri'y nagbida
Talaga raw kaysipag nila
Sa pagtipa sa makinilya
Hinlalaki lang ay suporta.
Nang ang celphone ay mauso na
Dito'y hinlalaki ang bida
At ibang daliri'y suporta.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod
Apat na daliri'y nagbida
Talaga raw kaysipag nila
Sa pagtipa sa makinilya
Hinlalaki lang ay suporta.
Nang ang celphone ay mauso na
Dito'y hinlalaki ang bida
At ibang daliri'y suporta.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)