Lunes, Pebrero 4, 2019

Di ako bayarang tibak

DI AKO BAYARANG TIBAK

sabi ko na sa kanya, di ako bayarang tibak
subalit gusto niya'y pera, ako'y nililibak
huwag pulos bayan, baka raw ako mapahamak
magnegosyo raw nang makaipon ng laksang pilak

pagsisilbi sa bayan ang kurso niyang tinapos
kaygandang kursong lumalaban sa pambubusabos
ito sa kanyang puso't diwa'y tila ba di tagos
nais pang oras niya'y sa negosyo inuubos

imbis na magsilbi sa bayan, pera, pera, pera
pulos pera ang pumapaimbulog sa bituka
ako'y aktibista, siya'y utak kapitalista
bakit kami pa itong pinagtiyap ng tadhana

di ko pala siya kauri, natuliro ako
pakiramdam ko tuloy ngayon, ako na'y naloko

- gregbituinjr.