PUSONG BATO, TULÂ 2
muli, aking binalikan ang pusong bato
at sa pinsan ni misis ay nagpalitrato
humiga sa daan at itinurô ito
iyan ang pisikal na anyong pusong bato
ibang-iba sa pusong bato ng pag-ibig
na sandamakmak na luhà ang iniigib
kasawian ng mga pusong umiibig
dahil ang iniibig ay di nakikinig
ang pag-ibig na tapat ay di mapaparam
ngunit pusong bato ay walang pakialam
kaya ikaw naman ay tiyak magdaramdam
sa asam na pag-ibig na'y mamamaalam
- gregoriovbituinjr.
04.05.2026
* kuha malapit sa istasyon ng Coda Lines bus sa Bontoc, Mountain Province
