NASA KAMAY NG URING MANGGAGAWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
wala sa kamay ng burgesya ang panalo
upang maibagsak itong kapitalismo
at lalong wala sa kamay ng mga trapo
na tuluyang masagip ang mga obrero
di rin sapat na hanggang unyunismo tayo
lalong wala sa ideyang nasyunalismo
sa demokrasya man o elektoralismo
ang ikababagsak nitong kapitalismo
nasa kamay ng milyong obrero sa mundo
upang ibagsak ang mga ganid sa tubo
pribadong pag-aari'y dapat maiguho
burgesya't elitista'y dapat maigupo
umpisahan sa makauring kamulatan
diyalektiko'y dapat nating pag-aralan
pati na ang kasaysayan ng tunggalian
ng mga uri dito sa ating lipunan
sina Marx at Engels na noo'y sinulat nga
obrero'y magkaisa sa lahat ng bansa
sa manggagawa ang tangi lang mawawala
ay ang kanilang mga gintong tanikala
kaya mga manggagawa, nasa kamay nyo
na sistemang bulok ay tuluyang mabago
magkapit-bisig na at magkaisa kayo
at itayo ang sariling lipunan ninyo
tanging pagbuwag sa pag-aaring pribado
at pagtatayo ng lipunang sosyalismo
ang ikaliligtas ng maraming tao
mula sa kahirapan at kapitalismo
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
wala sa kamay ng burgesya ang panalo
upang maibagsak itong kapitalismo
at lalong wala sa kamay ng mga trapo
na tuluyang masagip ang mga obrero
di rin sapat na hanggang unyunismo tayo
lalong wala sa ideyang nasyunalismo
sa demokrasya man o elektoralismo
ang ikababagsak nitong kapitalismo
nasa kamay ng milyong obrero sa mundo
upang ibagsak ang mga ganid sa tubo
pribadong pag-aari'y dapat maiguho
burgesya't elitista'y dapat maigupo
umpisahan sa makauring kamulatan
diyalektiko'y dapat nating pag-aralan
pati na ang kasaysayan ng tunggalian
ng mga uri dito sa ating lipunan
sina Marx at Engels na noo'y sinulat nga
obrero'y magkaisa sa lahat ng bansa
sa manggagawa ang tangi lang mawawala
ay ang kanilang mga gintong tanikala
kaya mga manggagawa, nasa kamay nyo
na sistemang bulok ay tuluyang mabago
magkapit-bisig na at magkaisa kayo
at itayo ang sariling lipunan ninyo
tanging pagbuwag sa pag-aaring pribado
at pagtatayo ng lipunang sosyalismo
ang ikaliligtas ng maraming tao
mula sa kahirapan at kapitalismo