ang masamang pulitiko'y katulad ng hunyango
papalit-palit ng kulay kung saan mapadako
kung saan kikita ng limpak ay doon tutungo
kahit manloko ng kapwa alang-alang sa tubo
ang masamang pulitiko'y mga trapo ng bayan
mga trapong ang tingin sa maralita'y basahan
ang tanong: nasaan na ang totoong lingkodbayan
na magsisilbi ng taospuso sa sambayanan
ang mga trapo'y katulad din ng kapitalista
mismong likasyaman ng bansa ang ibinebenta
kahit maghirap ang lumad tulad sa pagmimina
pinagtutubuan malugmok mang lalo ang masa
iyang mga trapo'y tunay na walang kwentang lingkod
lagi na lamang sa kaban ng bayan nakatanghod
baka ang masa sa galit sa kanila'y sumugod
sipain iyang mga trapo't sa putik ingudngod
- gregbituinjr.
Lunes, Hunyo 27, 2016
Pag musmos na ang nakikipaglaban
pag musmos na ang nakikipaglaban
para sa kanyang angking karapatan
poot na'y namuo sa kalooban
baka lumaking rebeldeng tuluyan
pag nakibaka na ang mga paslit
unawa nilang pamilya'y ginipit
ng mga elitistang anong lupit
kaya puso nila'y puno ng galit
dapat habang bata sila'y turuang
pag-aralang mabuti ang lipunan
bakit may pinagpalang mayayaman
at kayraming sadlak sa karukhaan
pag lumalaban na ang mga musmos
pangarap nilang mabago nang lubos
ang buhay na sadyang kalunos-lunos
rebolusyon ba ang dito'y tatapos
- gregbituinjr.
para sa kanyang angking karapatan
poot na'y namuo sa kalooban
baka lumaking rebeldeng tuluyan
pag nakibaka na ang mga paslit
unawa nilang pamilya'y ginipit
ng mga elitistang anong lupit
kaya puso nila'y puno ng galit
dapat habang bata sila'y turuang
pag-aralang mabuti ang lipunan
bakit may pinagpalang mayayaman
at kayraming sadlak sa karukhaan
pag lumalaban na ang mga musmos
pangarap nilang mabago nang lubos
ang buhay na sadyang kalunos-lunos
rebolusyon ba ang dito'y tatapos
- gregbituinjr.
Sa pagpihit ng sitwasyon
SA PAGPIHIT NG SITWASYON
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taudtod
anong dapat nating gawin sa ganitong sitwasyon
tanong nitong kabataang mapagsuri't may layon
pulos katiwalian sa daang matuwid noon
pulos pagpaslang sa mga sangkot sa droga ngayon
bakit kayrami ng ahas sa gobyernong patapon
gaano ba kahanda sa pagpihit ng sitwasyon
bakit kayraming kabataang sa droga nagumon
bakit tumindi ang pagitan ng wala't mayroon
sa nagbabagong kalagayan, kayrami ng tanong
marami sa madla sa sarili'y bubulong-bulong
kung sa mga problema gobyerno'y urong-sulong
ang taumbayan ba'y kanino na dapat magsuplong
nahaharap itong bayan sa panibagong hamon
uring manggagawa ba'y aasahan pang bumangon

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)