PANAGHOY SA MANGGAGAWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
manggagawa, kayo ang rebolusyon
napakahalaga ng inyong misyon
narito ba kayo sa aming tabi
sama ba kayo o bahala kami
manggagawa, maging bahagi't saksi
sa pagguhit ng bagong kasaysayan
Huwebes, Mayo 29, 2014
Sa iyong kaarawan, klasmeyt Fides
SA IYONG KAARAWAN, KLASMEYT FIDES
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
pagbubunyi ang alay ko sa iyo, klasmeyt Fides
ikaw na animo'y diyosang may ngiting kaytamis
aliwalas sa iyong mukha'y malinaw na batis
tila ba di mo danas ang kabiguan at hapis
sa iyo, klasmeyt Fides, maligayang kaarawan
nawa ay lagi kang nasa mabuting kalagayan
di nagkakasakit at may magandang kalusugan
ikaw na diyamante sa santambak na kariktan
nawa, klasmeyt Fides, sa pag-usad ng mga taon
iwing buhay mo'y payapa't magandang inspirasyon
nawa'y lagi kang matuwid, mabait, mahinahon
puso't diwa'y naglalambing sa kahapon at ngayon
maligayang kaarawan, O, Fides, mabuhay ka!
pakatandaan mong sa buhay, laging may pag-asa

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)