BUDHI NG BAYAN ANG MAY ATAS
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig, soneto
Budhi na ng bayan ang nag-aatas
Kung bakit dapat labanan ang Con Ass
Pinatunayan nitong sadyang ungas
Ang mga lingkod bayang di parehas.
Dahil sa dal'wampung milyong pisong kas
Ay pinaglaruan nila ang batas
Ang mamamayan, at pati ang bukas
Ng bayan nating kanilang hinudas.
Kongreso'y parang pugad na ng ahas
Tulung-tulong ang mga talipandas
Kaya kababayan, tayo'y lumabas
Magtulungan tayo laban sa Con Ass.
Budhi na ng bayan ang nag-aatas
Kaya dapat labanan itong Con Ass.
Biyernes, Hunyo 12, 2009
30 Pilak Noon, 20M Piso Ngayon
30 PILAK NOON, 20M PISO NGAYON
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Tatlumpung pirasong pilak noon
Ang tinanggap ng alagad na si Hudas
Dalawampung milyong piso ngayon
Ang tinanggap para ipasa ang Con Ass.
Baya'y tuluyang ibinabaon
Sa krisis ng mga kongresistang ungas
Na walang pakialam sa nasyon
Mamamayan man ay magkalagas-lagas.
O, bakit kaya sila'y ganoon?
Sariling interes ang kanilang batas!
Iyan ang alam ng mga iyon
Kaya sa mamamayan ay naghuhudas!
Con Ass ng trapo'y itapon ngayon
At ipalit natin ang magandang bukas.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Tatlumpung pirasong pilak noon
Ang tinanggap ng alagad na si Hudas
Dalawampung milyong piso ngayon
Ang tinanggap para ipasa ang Con Ass.
Baya'y tuluyang ibinabaon
Sa krisis ng mga kongresistang ungas
Na walang pakialam sa nasyon
Mamamayan man ay magkalagas-lagas.
O, bakit kaya sila'y ganoon?
Sariling interes ang kanilang batas!
Iyan ang alam ng mga iyon
Kaya sa mamamayan ay naghuhudas!
Con Ass ng trapo'y itapon ngayon
At ipalit natin ang magandang bukas.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)