ANG MATAGUMPAY NA HIMAGSIKANG EDSA 1986
Tula ni Gregorio V. Bituin Jr.
1
ispontanyong damdamin ang nagpakilos sa bayan
upang patalsikin na ang diktador na gahaman
sa laksang galit, nais lumaya ng sambayanan
sama-samang kumilos sa ngalan ng katarungan
2
ilang dekadang lumipas, nagka-martial law noon
bawal kang manuligsa, tahimik ng ilang taon
masa'y naghirap, sa balita'y umuunlad iyon
nangutang ang diktador, hanggang bayan ay nabaon
3
ang dinanas nilang diktadurya animo'y sumpa
mga lumaban ay dinahas, pamilya'y lumuha
karapatan ay niyurakan, laksa'y nangawala
kayraming di nakita, ibinaon ba sa lupa?
4
kayraming institusyong sinara tulad ng midya
matindi ang paggawa ng mga imprastraktura
hawak sa leeg ang batasan at hudikatura
hanggang baya'y yanigin ng welga sa La Tondeña
5
mga manggagawa'y nagtagumpay sa pag-aaklas
ngunit sa maraming lugar ay patuloy ang dahas
kung ano ang nais ng diktador, siya ang batas
tila di alam ng rehimen kung ano ang patas
6
patuloy ang pamamayagpag ng tusong diktador
sa mga kalaban ay pangunahing kumpiskador
hanggang mapaslang sa tarmak ang kalabang Senador
na umuwi ng bansang ang dala'y dangal at balor
7
nagising ang bayan, madla'y nagprotesta't kumilos
nagkaisa ang mayayaman at naghihikahos
nais nilang lupit ng diktadura na'y matapos
hanggang bagong halalan ay pinatawag ni Marcos
8
ang diktador ay muling kumandidatong pangulo
kanyang kalaban ay ang balo ni Ninoy Aquino
inilunsad ang halalan, laksang tao'y bumoto
sa Comelec, si Marcos ang deklaradong panalo
9
ngunit sa Namfrel, si Cory Aquino ang nagwagi
siya ang sa puso ng masa'y agad nanatili
pagnanasa ng bayan sa pagbabago'y masidhi
ngunit pagnanasang ito'y hindi naging madali
10
oposisyo'y nanawagan ng malawakang boykot
huwag tangkilikin ang mga crony at kurakot
hanggang sina Enrile at Ramos ay pumalaot
sa EDSA, kumalas kay Marcos, suporta'y hinakot
11
nais ng diktador na si Marcos na sila'y dakpin
ngunit nanawagan ng suporta si Cardinal Sin
tao'y nagdagsaan sa EDSA, may dalang pagkain
gamot, tubig, mga taong may pangarap na angkin
12
kasama ko noon si ama at kanyang barkada
upang mamigay ng maraming pandesal sa EDSA
dumagsa ang tao, tangke, sundalo, madre, masa
tila nagmamahalan bawat isa't nagkaisa
13
at si Cory Aquino bilang pangulo'y nanumpa
kinagabihan, si Marcos na'y umalis ng bansa
naitaboy na ng bayan ang nanagasang sigwa
at ang unos na yumurak sa bayan ay nawala
14
nagtagumpay ang nagkakaisang bayan sa mithi
diktador ay lumayas, sa bansa'y di nanatili
sa buong mundo, ginawa ng Pinoy ay pinuri
at ito sa rebolusyon ng ibang bansa'y binhi
- 7 Pebrero 2017, Lungsod Quezon

Naging halimbawa sa mamamayan ng daigdig ang Pag-aalsang Edsa noong 1986 na nagpatalsik kay Marcos. Nasundan ito ng Singing Revolution sa Estonia, Latvia at Lithuania (1988), Pagbagsak ng Berlin Wall sa Germany (1989), Velvet Revolution sa Czechoslovakia (1989), Bulldozer Revolution sa Yugoslavia (2000), Pag-aalsang Edsa 2 sa Pilipinas (2001), Rose Revolution sa Georgia (2003), Orange Revolution sa Ukraine (2004), Cedar Revolution sa Lebanon (2005), Tulip Revolution sa Kyrgystan (2005), Jasmine Revolution sa Tunisia (2011), at Day of Anger Revolution sa Egypt (2011). Ngunit may mga pagkatalo rin, tulad ng 8888 Uprising sa Burma (1988), Tiananmen Students Protest sa Tsina (1989), Edsa 3 Urban Poor Revolution sa Pilipinas (2001), at Saffron Revolution sa Burma (2007). Tunay na naging inspirasyon ng mamamayan ng mundo ang Edsa People Power Revolution ng 1986.