paano ba gumagapang sa lusak ang magulang
paanong pag-aaral ng anak ay ginagapang
paano bang dinudurog ang mga salanggapang
paano ba sa pag-ibig ang puso'y nadadarang
mga obrero'y biktima ng kontraktwalisasyon
ang taumbayan ay biktima ng globalisasyon
ang magsasaka'y biktima ng rice tarrification
sa mga problema't isyu, masa'y ibinabaon
kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan
na sa samutsaring isyu't problema'y panuntunan
kaya kailangan ang pagbubuo ng samahan
upang makatulong sa pagbabago ng lipunan
tayong aktibistang Spartan, anong dapat gawin
dapat tayong magkaisa sa iisang layunin
uring manggagawa'y patuloy na organisahin
at itayo ang lipunang nararapat sa atin
- gregbituinjr.
Linggo, Oktubre 27, 2019
Halina't tayo'y magbutaw
upang makapagbutaw ka, bawasan mo ang bisyo
kung kaya'y limang boteng gin, isa lang inumin mo
bawasan ng kalahati ang kahang sigarilyo
upang ibigay sa organisasyon ang butaw mo
alalahanin mong palagi ang organisasyon
ito'y buhay-pakikibakang may magandang layon
at prinsipyadong samahang sa isyu'y tumutugon
na sa bulok na sistema'y tiyak na magbabaon
sa bawat buwan sa samahan, sampung pisong butaw
o limampung pisong alak nang mawala ang ginaw
o pitumpung pisong kaha ng yosi bawat araw
ah, sampung pisong butaw ang mas kaya mong ibitaw
kaya, tara, kasama, alagaan ang samahan
magbutaw nang organisasyon ay mabuhay naman
upang magpatuloy ang serbisyo sa taumbayan
hanggang lipunang bulok ay tuluyang mapalitan

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)