TUGON SA PAGBIGKAS NG AKING TULA
maraming salamat, mga kaPAAtid
sa inyong pagbigkas ng tulang nalikha
upang sa marami'y ating ipabatid
isyung ito'y dapat pag-usapang sadya
huwag nang umabot sa one point five degrees
ang pag-iinit pa nitong ating mundo
kaya panawagan nating Climate Justice
nawa'y maunawa ng masa't gobyerno
mahaba-haba pa yaring lalandasin
maiaalay ko'y tapik sa balikat
ang binigkas ninyo'y tagos sa damdamin
tanging masasabi'y salamat, Salamat!
- gregoriovbituinjr.
11.02.2023
* ang pinagbatayang tula ay kinatha noong Oktubre 11, 2023 na may pamagat na "Pagninilay sa Climate Walk 2023"; binigkas isa-isa ng mga kaPAAtid sa Climate Walk ang bawat taludtod ng tula
* ang bidyo ng pagbigkas ng tula ay nasa pahina ng Greenpeace Southeast Asia, at makikita sa kawing na:https://fb.watch/omJl961Sel/