Huwebes, Hunyo 22, 2023

Isang kaso ng OSAEC

ISANG KASO NG OSAEC

isa pang kaso ng OSAEC ang napabalita
Online Sexual Abuse and Exploitation of Children
sa sex video chat, ina'y ginamit ang mga bata
buti't ang nanay, ayon sa ulat, ay nahuli rin

upang magkapera lang, pinagsasamantalahan
ang mga anak, na katwiran, di naman nahipo
ang katawan ng anak kundi pinanood lamang
ganito ba'y tamang katwiran, nakasisiphayo

kayraming ikakaso sa nanay na siyang utak:
Anti-Online Abuse and Exploitation of Children Act,
ang Anti-Child Abuse Law, ang Cybercrime Prevention Act,
pati na Expanded Anti-Trafficking in Persons Act

dapat batid ng mamamayan ano ang OSAEC
ganitong krimen sa batas natin na'y natititik
parang halik ni Hudas ang sa anak binabalik
habang sa pera ng kostumer ay sabik na sabik

- gregoriovbituinjr.
06.22.2023

* mga ulat mula sa pahayagang Pang-Masa, Hunyo 22, 2023, p. 1-2, at Pilipino Star Ngayon, Hunyo 22, 2023, p. 1 at p. 8