SA IKA-15 DEATH MONTHSARY NI MISIS
hanggang ngayon ay nami-miss pa rin kita
ikaw na tinatangi ko't sinisinta
larawan mo'y sa loob ko nakapinta
nagugunita ka saanman magpunta
tila ako'y ginagabayan mong lagi
at kaalaman mo'y ibinabahagi
sa kapwa, upang sila'y di maduhagi
na sariling dangal yaong nasasagi
O, Liberty, bituin ka niring pusò
na sana sa lumbay ako pa'y mahangò
pagkatha'y pinagbubuti ko pang lalò
upang gawin ang nobela ng pagsuyò
magpahinga ka na, aking ginigiliw
pag-ibig ko sa iyo'y di magmamaliw
- gregoriovbituinjr.
09.11.2026
