BITAMINA A
para sa Buntis at Nagpapasusong Ina
(mula sa isang babasahin sa kalusugan na ginawan ng makata ng tulang may lalabing-apating pantig bawat taludtod)
Kailangan ng mga nagpapasusong ina
At ng mga nagbubuntis ang Bitamina A
Buto’y tumatag, katawa’t buhay ay gumanda.
Pag ang buntis at ina sa bitamina’y kulang
Paglaki ng sanggol ay baka maging mabagal
At baka manghina pa ang kanilang katawan
Pagkain ay dapat sa bitamina’y mayaman.
Dapat kainin ng nagdadalangtao’t ina
Ay mga dilaw na prutas at gulay, kagaya
Ng karot, kamote, dilaw na mais, papaya
Pati tyesa, kalabasa at hinog na mangga.
Berde’t madahong gulay tulad ng alugbati,
Malunggay, petsay, kangkong, litsugas at brokoli
Dahon ng ampalaya at talbos ng kamote
Isama pa ang mustasa at dahon ng gabi.
Karne’t isda’y mayaman din sa Bitamina A
Keso, gatas, pula ng itlog at mantekilya
Kaya’t buntis at ina’y alagaan talaga
Nang lumakas sila’t ang sanggol na dinadala.
Pahabol:
Ang Bitamina A ay di sa kanila lamang
Kundi sa atin din, sa lahat ng mamamayan
Kaya’t tayo kung nais lumakas ang katawan
Mag-Bitamina A na para sa kalusugan.
Mayo 24, 2008
Sampaloc, Maynila