bakit animo'y paglalaro na lang ang pagpaslang?
ang kanilang kaluluwa ba'y pawang mga halang
sa akademya ba'y doon nasanay at nalinang?
ang kakayahan kaya sa dugo ng kapwa'y aswang?
karapatang pantao ba'y di na nirerespeto?
bakit ba naglalaway sa dugo ng kapwa tao?
wala ba silang pakialam sa due process of law?
dahil ba sila'y may baril, pakiramdam na'y macho?
ang kulturang tokhang na'y pinauso ng rehimen
kaya pinapaslang ang napagtitripang patayin
sa unang taon pa lang ay napuno na ng lagim
ang bayang itong kayraming inang nagsiluha rin
buhay ng minamahal ang kinuha sa kanila
kaya sinisigaw nila'y panlipunang hustisya
di laro ang pagpaslang, ang tindig ng mga ina
dapat parusahan ang maysala, managot sila
- gregbituinjr.
* Inihanda para sa State of the People's Assembly (SOPA) na ilulunsad ng Freedom from Debt Coalition (FDC) at mga kasapian nito, Hulyo 24, 2020