UTAK MA'Y NAKAPIIT SA BUNGO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
utak ma'y nakapiit sa bungo
puso ma'y patuloy sa pagdugo
katinuan ay di maglalaho
ang pangarap ko'y di magugupo
adhikain ko'y kalong ng puso
layunin sa masa'y di guguho
sa pakikibaka'y di susuko
pitpitin man ang bayag ko't bungo