Martes, Oktubre 24, 2023

Ang kaliwang kamao, ayon kay Mao Zedong

ANG KALIWANG KAMAO, AYON KAY MAO ZEDONG

"Raise your left fist to knock down the imperialists and your right to knock down the Communists." (Itaas ang iyong kaliwang kamao upang pabagsakin ang mga imperyalista at ang iyong kanan upang pabagsakin ang mga Komunista.) ~ mula sa  “Analysis of the Classes in Chinese Society” ni Mao Zedong

Mabangis ang sinulat ni Mao Zedong
Sa kanyang “Analysis of the Classes in Chinese Society”:

Ibagsak ang mga imperyalista
Gamit ang kaliwang kamao!
Ibagsak ang mga komunista
Gamit ang kanang kamao!

Diyan ko naunawaan kung bakit
Kaliwang kamao ang itaas nating pilit
Upang katarungan ay ating igii
Para sa manggagawa at mga maliliit

Habang kanang kamao ay itinataas
Ng mga nais pulbusin ang mga komunista
Gayong komunista’y naghahangad lamang
Ng katarungan at patas na lipunan

Ang mga imperyalistang sakim
Ang dapat talagang durugin
Tulad ng imperyalistang U.S.
Na dapat gapiin sa pagtatagis

Itaas ang kaliwang kamao!
Itaas ang kaliwang kamao!
Itaas ang kaliwang kamao!
ITAAS ANG KALIWANG KAMAO!

- gregoriovbituinjr.
10.24.2023