Dear Kupido,
nahan na ang pagsintang iyong ipinagyayabang?
wala na bang pag-ibig at kayraming pinapaslang?
bakit maraming katawang sa dugo lumulutang?
pinaslang na gayong walang proseso ang paratang
ang pana mo ba'y para lang sa binata't dalaga?
di pangkalahatan kaya bayan ay di kasama?
pana mo ba'y tumatalab pa sa puso ng masa?
o nawalan na ng bisa ang panang may gayuma?
pairalin ang pag-ibig kung tunay ka, Kupido
panain ang manonokhang nang matauhan ito
na dapat ang sugapa'y dinadaan sa proseso
at kung kailangan, ipagamot silang totoo
O, Kupido, ipakitang mayroon pang pag-ibig
sa mundong itong karahasan na ang nananaig
- gregbituinjr.
#notoextrajudicialkillings
#stopthekillings
Huwebes, Abril 13, 2017
Replika
REPLIKA
makatindig balahibo, puso'y dinadalirot
sa paligid ay tila lagim yaong bumabalot
gayong replika lang ang bangkay, nakapanlalambot
palibot ay kandila sa programang anong lungkot
replika lamang iyon ng tinortyur at pinaslang
nakagapos, nakapiring, sa dugo'y lumulutang
kawalang proseso'y pinauso na ba ng hunghang?
kaluluwa't puso ba ng nasa poder ay halang?
itinuturing na maysakit ang mga sugapa
kaya may rehabilitasyong dapat isagawa
ngunit bakit maysakit ay gayon lang kung mapuksa
gayong di iyon ketong o krimeng kasumpa-sumpa
replika lamang, ngunit simbolo ng inhustisya
hindi mga bato ang naiwan nilang pamilya
lumuluha, nasasaktan, tagos sa kaluluwa
pagkat mahal nila'y pinaslang na lang basta-basta
- tula't litrato ni gregbituinjr.
(kuha sa programang "Kalbaryo ng Kawalang Katarungan" na pinangunahan ng iba't ibang human rights group, Abril 12, 2017)

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)