HUWAG TAYONG PALILINLANG
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig bawat taludtod
Karaniwan na ang kanilang pangako
Ngunit kadalasang ito'y napapako
Kung anu-anong sa masa'yinilalako
Huwag lang sa boto sila ay mabigo.
Madalas sa panahon lang ng kampanya
Kapag sila'y makipag-usap sa masa
Ngunit kapag sila nama'y nanalo na
Aba, sila'y hindi na mahagilap pa.
Iba't iba ang dala nilang partido
Turing sa masa'y mabibili ang boto
Ang masa'y kadalasang di na natuto
Kahit binobola lagi nitong trapo.
Mga trapo'y lagi na lang nanlalamang
Kurakutan ay tila wala nang patlang
Pag di nakakurakot ay nahihibang
Sa kaban ng bayan laging nakaabang.
Ang puso ng trapo'y sadya yatang halang
Serbisyo kung meron ma'y lagi pang kulang
Aba'y huwag nang sa kanila'y palinlang
Sila'y wala nang kaluluwang nilalang.
Sabado, Pebrero 28, 2009
Tugon sa Banta
TUGON SA BANTA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Ako'y aktibistang tunay na lumalaban
Para sa kapakanan ng bayan at sandaigdigan
Ngunit may ilang nagbabanta naman
Ang aming ginagawa'y dapat na raw tigilan.
Di kami papayag sa kanilang mga pagyurak
Sa dangal ng bayan at kinabukasan ng mga anak
Marami na silang sa bayan natin ay ipinahamak
Dapat nang mapigil ang kanilang mga halakhak.
Marami mang sa akin ay nagbabanta
Hindi naman ito gaanong nakababahala
Mga bantang ito'y aking binabalewala
Dahil di ako titigil sa aming adhika.
Tugon ko'y "Sige, ako'y inyong patayin
Ngunit di ninyo magigiba ang diwa ko't layunin
Tungo sa pagbabago ng sistema ng lipunan
Para sa kinabukasan ng bayan at daigdigan."
Mamamatay akong hindi susuko
Mabubo man ang laksa-laksa kong dugo
Hindi ako titigil banatan man ng punglo
Ito ang dapat nilang mapagtanto.
Tumigil na raw ako't baka raw mawala
Baka raw mga mahal ay tuluyang lumuha
Ngunit tinitiyak kong di ako magigiba
Ng kanilang anumang mga pagbabanta.
Inialay ko na ang buhay para sa pagbabago
Hanggang masilayan ang dakilang sosyalismo
At tuluyang magiba itong kapitalismo
Na siyang yumurak sa dangal ng bawat tao.
Kamatayan ay di namin hinihingi
Kaya lalabanan namin sinumang mapang-aglahi
Nais namin ay katarungan sa lahat ng lipi
Kaya pagsasamantala'y di na dapat maghari.
Hindi kami yuyuko sa mga naghaharing uri
Hindi kami titigil hangga't hindi nagwawagi.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)