Miyerkules, Pebrero 4, 2015

Ang hangin, ang tubig, at ang bato - salin ng tula ni Octavio Paz

ANG HANGIN, ANG TUBIG, AT ANG BATO
Tula ni Octavio Paz
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod

Inuuka ng tubig ang bato,
ikinalat ng hangin ang tubig,
pinigilan ng bato ang hangin.
Ang tubig, ang hangin, at ang bato.

Inuukit ng hangin ang bato,
ang bato'y isang tasa ng tubig,
naubos ang tubig at yaong hangin.
Ang bato, ang hangin, at ang tubig.

Umaawit ang hangin pag-ikot,
lumalagaslas naman ang tubig,
payapa ang batong walang tinag.
Ang hangin, ang tubig, at ang bato.

Isa'y ang isa, o kaya'y hindi:
sa kanilang ngalang walang laman
ay tumatahak sila't nawala,
ang tubig, ang bato at ang hangin.

-
-
-

WIND AND WATER AND STONE
by Octavio Paz (1914 - 1998), Mexican poet

The water hollowed the stone,
the wind dispersed the water,
the stone stopped the wind.
Water and wind and stone.

The wind sculpted the stone,
the stone is a cup of water,
The water runs off and is wind.
Stone and wind and water.

The wind sings in its turnings,
the water murmurs as it goes,
the motionless stone is quiet.
Wind and water and stone.

One is the other and is neither:
among their empty names
they pass and disappear,
water and stone and wind.

Isang punong nakalalason - salin ng tula ni William Blake

ISANG PUNONG NAKALALASON
Tula ni William Blake (1757-1827)
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod

Galit ako sa aking kaibigan:
Galit ko'y sinabi't agad nawala.
Galit ako sa aking nakalaban,
Di ko sinabi't galit ko'y lumubha.

At sa pangamba, ito'y diniligan
Sa araw at gabi ng aking luha;
At may ngiting ito'y pinaarawan
At nang may lambot, sadyang pandaraya.

At lumago ito araw at gabi
Hanggang binunga'y kaygandang mansanas.
At kaaway ko'y masid 'yong maigi
At yaon ay akin, kanyang natuklas.

At sa aking hardin bumalabal
Nang gabing nalambungan ang haligi
Sa umagang kaysaya kong minasdan
Ang kaaway ko sa puno'y duhagi.

-
-
-

A POISON TREE
Poem by William Blake (1757-1827)

I was angry with my friend:
I told my wrath, my wrath did end.
I was angry with my foe:
I told it not, my wrath did grow.

And I watered it in fears,
Night and morning with my tears;
And I sunned it with smiles,
And with soft deceitful wiles.

And it grew both day and night,
Till it bore an apple bright.
And my foe beheld it shine.
And he knew that it was mine,

And into my garden stole
When the night had veiled the pole;
In the morning glad I see
My foe outstretched beneath the tree.