KALATAS SA CHRONIC INCORPORATED
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
bakit nyo kami pinagtatapunan ng basura
aba'y iyang ugali n'yo'y sadyang hindi maganda
dumayo pa kayo rito, magtatapon lang pala
kami'y nilinlang, kunwari'y panresiklo ang dala
bakit ba ang aming bansa'y inyong inaaglahi
inyong ginawa'y sadyang mali at kamuhi-muhi
sa Canada'y iuwi nyo ang basurang kadiri
pagkat iyang Canada angsa basura'y may-ari
di nyo ba alam, kayganda ng Perlas ng Silangan
mapuno, may palayan, may maayang kalikasan
ngunit unti-unti'y nasisira itong tuluyan
dahil sa tulad nyong marahas, walang pakialam
di kami basurahan, bansang ito'y di alipin
lapastangan kayong dapat patuloy na usigin
kami'y nagpapakahinahon, ngunit inyong dinggin
ang basura nyo'y inyo, iuwi na't dito'y kunin!
Martes, Marso 10, 2015
Ang bayang ginawang basurahan ng Canada
ANG BAYANG GINAWANG BASURAHAN NG CANADA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
ang Pilipinas ay di basurahan ng Canada
Perlas ng Silangan ay di tapunan ng basura
ngunit bakit bansa'y napiling pagtapunan nila?
tiwaling gobyerno ba'y isang malaking basura?
repleksyon ng pamahalaan ang mga basura
matitinong batas nga'y binabasura pa nila
kadalasan batas na kanilang ipinapasa
ay para lang sa kapitalista, at di pangmasa
kayraming pulitikong ang gawi'y sadyang kayrumi
madla’y nagtitimpi sa katiwaliang kayrami
mga pulitiko’y lingkod ng mga negosyante
at nagpapabaya sa mga kababayang pobre
lingkod bayang huwad silang pulitikong gahaman
na nasa diwa'y ang magpayaman sa katungkulan
dapat itapon sila sa Canadang basurahan
pagkat gobyernong malinis ang hangarin ng bayan
kaya akala ng Canada'y basurahan tayo
dahil basura ang utak ng ating pulitiko
batas nila'y laging pakinabang lang sa negosyo
ngunit inutil sa kabutihan ng simpleng tao
gobyerno'y maglinis upang bayan ay di mahapis
dapat katiwalian ay tuluyan nang mapalis
upang Canada'y di tayo pagtapunan nang labis
at bansa’y respetuhin pagkat marangal, malinis

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)