ANG KAWAWANG MANGINGINOM
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
"Kawawa ang mga maagang bumangon at inumin agad ang kanilang habol. Hanggang sa makalampas ang dapithapon, alak pa ri't alak yaong iniinom." - Isaias 5:11 (mula sa pahayagang Remate, 29 Disyembre 2013, pahina 5.)
Isaias5:11 Sa aba nila na nagsisibangong maaga sa umaga, upang sila'y makasunod sa nakalalasing na inumin; na nagtatagal hanggang sa kalaliman ng gabi, hanggang sa magalab ang alak sa kanila! (mula sa http://www.sacred-texts.com/bib/wb/tag/isa.htm)
nasa isip agad pagkagising ay alak
wala pang mumog ay agad nang lumalaklak
laklak ng laklak hanggang gumapang sa lusak
di na inisip kung siya'y mapapahamak
ang sariling pamilya'y di na pinapansin
mga anak ay pinababayaan man din
pagkat ang mahalaga'y alak pagkagising
asawa pa'y laging sinasaktan pag lasing
pamilya'y kawawa, lasing ay walang puso
asawa'y panay iyak, puso'y magdurugo
kanyang kabiyak ba'y kailan pa titino
at sa kahirapan, buhay nila'y mahango
mababago pa ba ang kalagayang iyon
ang bana'y sa alak na tuluyang nagumon
nawa isang araw, bana niya'y bumangon
tawad ang hingi't titigil na sa pag-inom