maingat ang mga pintig
may ligalig man sa bisig
lalaban, di palulupig
nang hinaing ay madinig
nagsidalaw sa palasyo
ang laksa-laksang obrero
kuyom ang mga kamao
may parating bang delubyo?
Biyernes, Abril 7, 2017
Rehimeng sa kapitalista'y kaylambot
matigas ang kamaong may apoy ng poot
namumuo ang himagsik laban sa salot
na kontraktwalisasyong di kayang masagot
ng rehimeng sa kapitalista'y kaylambot
namumuo ang himagsik laban sa salot
na kontraktwalisasyong di kayang masagot
ng rehimeng sa kapitalista'y kaylambot
Kontraktwalisasyon ay sugat na kaylalim
tiim-bagang laban sa paglukob ng dilim
umaalimpuyo ang galit sa rehimen
kontraktwalisasyon ay sugat na kaylalim
nangakong magtanggal nito pala'y balimbing
umaalimpuyo ang galit sa rehimen
kontraktwalisasyon ay sugat na kaylalim
nangakong magtanggal nito pala'y balimbing
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)