Miyerkules, Hulyo 31, 2019

1.5°C

1.5°C

umaalon-alon ang dagat sa sinapupunan
ng daigdig na kaytagal nating naging tahanan
nagbabago ang klima't nag-iinit kadalasan
at mismong lebel na ng dagat ay nagtataasan

lulubog ba tayo dahil sa nagbabagong klima
ano nang dapat nating gawing pagkilos, ng masa
sabi'y labing-isang taon na lang at delubyo na
sa nagbabagong klima, mayroon pa bang pag-asa

iba'y ayaw makialam, balewala lang iyon
wala raw magagawa sa delubyo ng panahon
sa problemang iyon ba'y paano makakaahon
kung ayaw kumilos, sa problema'y nagpapakahon

pag-aralan ang lipunan at kalikasan natin
at maghanda tayo sa delubyong kakaharapin
ang mga babalang ito'y huwag balewalain
ito'y pagtulungan natin at subukang lutasin

- gregbituinjr.