Biyernes, Agosto 9, 2013

Kung sa palad at mata ng tao'y nakakahiya (Soneto 29)

Kung sa palad at mata ng tao'y nakakahiya (Soneto 29)
ni William Shakespeare
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod

Kung sa palad at mata ng tao'y nakakahiya
Mag-isa kong niluha ang hamak kong kalagayan
Nabingi ang langit sa walang silbi kong pagluha
Sa sarili'y tumingin, sinumpa ang kapalaran
Nais kong matulad sa may mayaman ang pag-asa
Maging tulad niya't dumami ang kaibigan ko
Nais ang sining niya't ang sakop pa ng iba
Di gaanong masaya sa kung anong mayro'n ako
Sa ganitong gunita'y sa sarili'y nasusuklam
Nagkataong lagay ko't ikaw yaring iniisip
Tulad ng biro'y bumangon sa pagputok ng araw
Mula sa mapanglaw, umawit sa pinto ng langit
Dahil pagsinta mo'y nagdulot ng ibayong saya
Kaya ayaw kong mga hari'y aking makasama

Ang hirap kapag umuulan

ANG HIRAP KAPAG UMUULAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod

humaharurot ang sasakyan habang umuulan
kaya ang tubig-baha, ikaw pa'y matatalsikan
aba'y papasok pa lang ang bata sa paaralan
ikaw naman ay patungo na sa inyong tanggapan
at ang iba naman ay sa kanilang pagawaan
bago pumasok, para kayong nakipagbasaan
uniporme'y nababasa sa pagdatal ng ulan
dahil kaybilis ng andar noong isang sasakyan
dahil ang tsuper nito'y tila walang pakiramdam
sa mga papasok pa lang ay walang pakialam
anong ating dapat gamitin kapag umuulan
payong, kapote, dangkal ng mabuting kaasalan
disiplina ng bawat tsuper at ng mamamayan
nang makapasok ng maayos sa patutunguhan