INAANTOK NA
sa pagkapagod, inaantok din
dama ko agad, di man sabihin
iidlip muna kahit sandali
upang sa lakas ay makabawi
napapapikit ang mga mata
sadyang nais makapagpahinga
di na maimulat ang talukap
habang may ginhawang hinahanap
mamaya lang ay mananaginip
may saya't lungkot na di malirip
na makikita muli ang mutya
suliranin ay di mahalata
malulutas ang maraming bakit
magpahinga lang muna't pumikit
- gregoriovbituinjr.
01.19.2024
* ang bidyo ay mapapanood sa kawing na: https://fb.watch/pLYcrV034v/