kaytinding sandata ng mandirigma ang balangis
dalawang patpat na matigas na kapara'y arnis
pag si Sanggre Danaya ang gumamit anong bilis
pananggol laban sa mga kaaway na kaybangis
sintigas yaon ng kahoy na naga o kamagong
pag tinamaan ang ulo'y puputok, balagoong
maaaring pag-isahin pag ito'y pinagdugtong
mapapabagsak sa iglap sinumang dumaluhong
balangis ay ariing asawa o kaibigan
kakampi, kasama, sa pagtulog man o digmaan
hindi ka matitinag ng kalaban mong sukaban
kapag balangis ay kinasanayan mong tanganan
balangis ay sagisag ng mandirigma ng lahi
pag-ibig, katapatan, tagapagtanggol ng puri
uuwing luhaan sinumang makakatunggali
kung sa pagtangan ng balangis nagsasanay lagi
- gregbituinjr.