hindi lamang itim at puti
kundi kami ring kayumanggi
ang may magandang minimithi
sa mundong kaytagal sinawi
ng kapitalismong tiwali
dapat nating pagkaisahin
ang masa sa isang layunin
ang bayan-bayan sa mithiin
at obrero sa adhikain
upang daigdig ay baguhin
itim man at puti'y makunat
at kayumanggi'y nagsasalat
ang puso't diwa'y sinusukat
kung ginhawa'y ginawang sapat
upang magtamasa ang lahat
masa'y di dapat laging lugmok
obrero'y dapat manghimasok
aralin ang dapat maarok
palitan ang sistemang bugok
baguhin ang lipunang bulok
- gregbituinjr.
Martes, Hulyo 31, 2018
Linggo, Hulyo 29, 2018
Ang Batang Bughaw - Salin ng tula ni Eman Lacaba
ANG BATANG BUGHAW
(Huntington Library and Art Gallery, San Marino, California)
Tula ni Eman Lacaba
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Hindi pinagplanuhan ang aming pagdating.
Pupunta kami saanmang lugar, hindi ko na ngayon
Maalala kung saan. Sabi niya'y mayroon pa kaming
Sapat na oras para sa ilang milya pang aming lalakbayin.
Gayunpaman, ang aming kotse, kung ito'y makapagsasalita lang,
Ay baka magtanong sana kung may pagkakamali.
Wala nga sa kanyang bughaw na tindig ang pagmamadali,
Napakawalang muwang niya para roon. Gayundin,
naisip niya ang mga ulyaning matatandang may mga trumpeting nakokoronahan
At may milya-milyang paglilibang sa kanilang bulsa.
Hindi kami walang muwang o matalino,
Munting guro, hinahangad lamang namin
Ang mga buhay na walang milya-milya't pangako,
Mga buhay na wala kami, at tumigil sa pananabik'
Munting batang bughaw, halika't hipan ang iyong pakakak.
* Inilathala sa Philippines Free Press, Enero 14, 1967, p.33
* Isinalin ng petsang Hulyo 29, 2018
* Gabi ng Mayo 5, 2018, sa ancestral house ng aking asawang si Liberty, sa Barlig, Mountain Province, ay hinalungkat ko ang mga isyu ng Philippines Free Press mula 1966 hanggang 1969 na tinipon ng kanyang namayapang ama. Nilitratuhan ko rito ang mga poetry o tulang nalathala. At ilan sa aking natagpuan, bukod sa mga tula ni Cirilo F. Bautista, ay ang labingtatlong tula ng makatang Eman Lacaba, na sa ngayon ay inisa-isa kong tinipa sa kompyuter at malayang isinalin sa wikang Filipino.
THE BLUE BOY
(Huntington Library and Art Gallery, San Marino, California)
Our coming wasn't premeditated.
We were going somewhere else, I do not now
Remember where. She said we still would have
Sufficient time for some more miles to go.
Certainly, our car, if it could only talk,
Would have asked if there had been some mistake.
Haste indeed was not in his blue bearing,
He was too innocent for that. She likewise
Thought of senile men with wreathed trumpets
And miles of leisure in their pockets.
We were neither innocent nor wise,
Little master, we would have only yearn
For lives without the miles and promises,
Lives we were without, and stop at yearning'
Little boy blue, come blow your horn.
- Emmanuel A.F. Lacaba
Sabado, Hulyo 28, 2018
Lagaslas ng tubig
Lagaslas ng tubig ay tila ba musika
At sa puso'y umaalon-alon tuwina
Ginigising ang diwa sa bawat umaga
Ako'y tila baga dinuduyan ng sinta
Sinusundan ang awitan ng mga maya
Lininang ng lagaslas sa aba kong puso
Ang tapat na pag-ibig na nasang mahango
Sa paglalakad ay di ko ramdam ang hapo
Nadama'y init ng pagsintang di magupo
Gumiti man sa noo'y pawising pagsuyo
Tinititigan ko ang pagsayaw ng ilog
Upang sa isipa'y mapag-anyo ang hubog
Bakasakaling dalhin ako sa tugatog
Isang pag-asa sa pagdatal sa bantayog
Gumupiling man sa banig ng pagkahulog
- gregbituinjr.
At sa puso'y umaalon-alon tuwina
Ginigising ang diwa sa bawat umaga
Ako'y tila baga dinuduyan ng sinta
Sinusundan ang awitan ng mga maya
Lininang ng lagaslas sa aba kong puso
Ang tapat na pag-ibig na nasang mahango
Sa paglalakad ay di ko ramdam ang hapo
Nadama'y init ng pagsintang di magupo
Gumiti man sa noo'y pawising pagsuyo
Tinititigan ko ang pagsayaw ng ilog
Upang sa isipa'y mapag-anyo ang hubog
Bakasakaling dalhin ako sa tugatog
Isang pag-asa sa pagdatal sa bantayog
Gumupiling man sa banig ng pagkahulog
- gregbituinjr.
Biyernes, Hulyo 27, 2018
Paghiwalayin ang nabubulok sa di nabubulok
anong gagawin sa basurang nakasusulasok
magresiklo, ihiwalay ang mga nabubulok
sa di nabubulok, tulad ng mga trapong bugok
ang wasto'y gawin upang bayan ay di maghimutok
ang nabubulok ay yaong mga pinagtalupan
ng prutas at gulay, natuyong dahon at halaman
dumi ng manok, baboy, at iba pang kahayupan
tira't panis na pagkain sa mesa't paminggalan
di nabubulok ang mga bote, bakal at lata
plastik, styro, karton, tuyong papel, at iba pa
balahibong manok, buto ng hayop, ay kasama
sadyang mahalagang paghiwalayin ang basura
ang mga nabubulok ay gawin nating pataba
mga pinagbalatan ay ipunin at ihanda
tuyong dahon, dumi ng hayop, haluan ng lupa
sa kalalabasan nito'y tiyak ikatutuwa
nabubulok at di nabubulok, paghiwalayin
sa nabubulok ay may pataba kang aanihin
bote, bakal, tuyong papel ay mabebenta natin
may pera sa basura ay ating pakaisipin
- gregbituinjr.
magresiklo, ihiwalay ang mga nabubulok
sa di nabubulok, tulad ng mga trapong bugok
ang wasto'y gawin upang bayan ay di maghimutok
ang nabubulok ay yaong mga pinagtalupan
ng prutas at gulay, natuyong dahon at halaman
dumi ng manok, baboy, at iba pang kahayupan
tira't panis na pagkain sa mesa't paminggalan
di nabubulok ang mga bote, bakal at lata
plastik, styro, karton, tuyong papel, at iba pa
balahibong manok, buto ng hayop, ay kasama
sadyang mahalagang paghiwalayin ang basura
ang mga nabubulok ay gawin nating pataba
mga pinagbalatan ay ipunin at ihanda
tuyong dahon, dumi ng hayop, haluan ng lupa
sa kalalabasan nito'y tiyak ikatutuwa
nabubulok at di nabubulok, paghiwalayin
sa nabubulok ay may pataba kang aanihin
bote, bakal, tuyong papel ay mabebenta natin
may pera sa basura ay ating pakaisipin
- gregbituinjr.
Sabado, Hulyo 21, 2018
Ang bantay
Miyerkules, Hulyo 4, 2018
Demokrasya ba'y ginawang pilantod
hustisya sa tatlong paring pinaslang
katarungan sa lahat ng tinokhang
ang buhay nila'y di na iginalang
na agad pinitas ng mga halang
demokrasya ba'y ginawang pilantod
ng haring gusto'y lahat mapasunod
marami'y pikitmatang nakatanghod
habang bayan sa dugo'y nalulunod
o, gumising na tayo, kababayan
ang ganito'y dapat nating pigilan
itigil na lahat ng karahasan
dapat matigil lahat ng patayan
nababalot ang bayan sa hilakbot
maraming may katungkulan ang sangkot
ang mga ganito'y nakalulungkot
tayo'y makibaka, huwag matakot
- gregbituinjr.
katarungan sa lahat ng tinokhang
ang buhay nila'y di na iginalang
na agad pinitas ng mga halang
demokrasya ba'y ginawang pilantod
ng haring gusto'y lahat mapasunod
marami'y pikitmatang nakatanghod
habang bayan sa dugo'y nalulunod
o, gumising na tayo, kababayan
ang ganito'y dapat nating pigilan
itigil na lahat ng karahasan
dapat matigil lahat ng patayan
nababalot ang bayan sa hilakbot
maraming may katungkulan ang sangkot
ang mga ganito'y nakalulungkot
tayo'y makibaka, huwag matakot
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)


