BIENVENUE, CHEZ NOUS
sa sahig ng nasakyang traysikel
nakasulat: Bienvenue, Chez Nous
Home Sweet Home, habang ako'y pauwi
na para bang ang sasalubong ay
magandang bahay, magandang buhay
kahulugan nito'y sinaliksik
Bienvenue ay Welcome sa Paris
habang Chez Nous naman ay Our Home
kaygandang bati nang pag-uwi'y may
magandang bahay, maalwang buhay
salamat sa sinakyang traysikel
sa nabasa kahit ako'y pagod
sa maghapong paglakò ng aklat
ay may uuwian pa rin akong
bahay na ang loob ko'y palagay
- gregoriovbituinjr.
12.17.2025
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://web.facebook.com/share/r/16sRK71DTp/




