SONETO SA ULAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
6 pantig bawat taludtod
di pa makalabas
ulan ay kaylakas
dama bawat hampas
na tila kayrahas
lakas ng ampiyas
ay ramdam ko't watas
bubong ba'y tatagas?
tubig ba'y tataas?
landas na'y madulas
baka madupilas
kapote mang kupas
ay baka tumagas
sa bota kong butas
di na makalabas
Miyerkules, Hunyo 22, 2016
Ang magtampisaw sa luho
ANG MAGTAMPISAW SA LUHO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
makasarili nga ba ang magtampisaw sa luho
habang yaong iba'y sa karukhaan nagdurugo
maligo ba sa pabango ng luho'y bumabaho
tulad ng kaasalan ng mga tusong hunyango
noon pa'y naganap sa loob at labas ng bayan
yumayaman lalo ang may-ari ng kayamanan
habang dukhang walang pag-aari'y nahihirapan
ganyan noon at ganyan pa rin sa kasalukuyan
paano natin babaguhin ang lipunang sawi
bagong sistema ba'y atin nang maipagwawagi
dulot ng pagbabakasakaling ito'y pighati
kung manggagawa'y hiwalay pa rin sa kanyang uri
di na dapat ang iilan sa luho'y magtampisaw
kapitalismo'y tuluyang tigpasin ng balaraw
upang bulok na sistema'y tuluyan nang malusaw
organisahin ang obrerong sa hustisya'y uhaw

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)