TUMANOG
nagisnan muli'y bagong salita
sa palaisipang inihandog
nabatid nang sinagutang sadya
iyang duwende pala'y tumanog
duwende'y tila wikang Kastila
at tumanog ay wikang Tagalog
sadyang mayaman ang ating wika
pag kinain ay nakabubusog
sa krosword maraming natatampok
na katagang animo'y kaylalim
na dapat namang ating maarok
at tila rosas na sinisimsim
sariling wika'y ating gamitin
sa mga kwento, tula't sanaysay
katha ng katha ng katha pa rin
hanggang mga akda'y mapaghusay
- gregoriovbituinjr.
05.12.2025
* palaisipan mula pahayagang Pilipino Star Ngayon, Mayo 12, 2025, p. 11
Lunes, Mayo 12, 2025
Mga binoto ko sa Dist. 4, Manila
Mga binoto ko sa Dist. 4, Manila
(Sana may pumasok, este, sana may lumabas sa mga binoto ko, sana may manalo)
Mayor - Sam Versoza (para maiba naman)
Vice Mayor - Yul Servo Nieto (siya lang kilala ko sa tumatakbong Vice Mayor)
Congressman - Trisha Bonoan David (independent, ilang beses ko nang ibinoto at nanalo)
6 Councilors:
Science Reyes (ilang taon ko nang sinusuportahan, incumbent councilor)
DJ Bagatsing
Lady Quintos (2 Quintos ang tumatakbo)
Doktora Nieto
Omeng Bagay
Bong Marzan (ang apelyido niya ang pumalit sa Pepin St., na ngayon ay Marzan St.,)
12 Senador:
Jerome Adonis - lider manggagawa
Ka Leody de Guzman - lider manggagawa
Atty. Luke Espiritu - lider manggagawa
Atty. Ernesto Arellano - lider manggagawa
Atty. Sonny Matula - lider manggagawa
France Castro - lider kaguruan
Arlene Brosas - lider kababaihan
Roberto Ballon - lider magsasaka
Danilo Ramos - lider magsasaka
David D'Angelo - kaibigang environmentalist
Roy Cabonegro - siya ang nagdala sa akin sa environmental movement circa 1995
Mimi Doringo - lider maralita na minsang nakapulong at nakasama sa rali sa DHSUD at NHA
Partylist:
#33 Pamilyang Magsasaka
- sila ang mga nakasama ko sa sa mahigit sampung araw na Alay Lakad Laban sa Kaliwa Dam mula Gen. Nakar, Quezon hanggang Maynila
Bumoboto ako sa Moises Salvador Elementary School, simula pa noong binata ako hanggang ngayon. Sino si Moises Salvador? Isa siya sa 13 martyrs ng Bagumbayan na binitay ng mga Kastila.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)

